Tuesday Vargas, nagbahagi ng picture kasama si Michael V: "Kuya tabi, ako na"

Tuesday Vargas, nagbahagi ng picture kasama si Michael V: "Kuya tabi, ako na"

- Nagbahagi si Tuesday Vargas ng picture kasama si Michael V kalakip ng caption na "Kuya tabi, ako na"

- Makikita sa picture na nasa likod ni Tuesday si Michael V na umaarte na tila nagtatago

- Matatandaang pinagtanggol kamakailan ni Tuesday si Michael V laban sa patutsada ni Rendon Labador

- Ani Tuesday, hindi niya matiis na binabastos ang isa sa hinahangaan niyang artista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Tueday Vargas sa kanyang post kung saan kasama niya si Michael V. Makikita sa picture na nasa likod ni Tuesday si Michael V na umaarte na tila nagtatago.

Tuesday Vargas, nagbahagi ng picture kasama si Michael V: "Kuya tabi, ako na"
Tuesday Vargas, nagbahagi ng picture kasama si Michael V: "Kuya tabi, ako na" (@tuesday_v)
Source: Instagram

Sa caption ng naturang post ni Tuesday ay sinabihan niya si Michael V na siya na ang bahala.

"Kuya tabi, ako na"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon"

Matatandaang pinagtanggol kamakailan ni Tuesday si Michael V laban sa patutsada ni Rendon Labador. Isa lamang siya sa mga personalidad na nagtanggol sa batikang aktor at komedyante.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

That's hilarious ❤️ Tuesday and Bitoy actors with substance we support you
Absolutely gorgeous and SMART!!! Love both of you!
Marami pa siyang kakaining Motivational rice para sing level nyo na siya..

Si Tuesday Vargas o Marizel Sarangelo-Placido ay isang Filipina singer, actress, comedian at isa sa judge ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Matatandaang sumagot si Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan - Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator.

Read also

Mama Alawi, sobrang happy sa bagong alahas na ibinili sa kanya ni Ivana sa Bahrain

Kamakailan ay sinagot ni Tuesday ang komento ni Valentine Rosales kaugnay sa pahayag ni Rendon kamakailan. Sa isang social media post ng isang online news site, sinabi ni Valentine na hindi daw dapat makialam si Tuesday dahil aniya ay laos na rin ito. Dagdag pa niya, kung makikisawsaw daw si Tuesday sa isyu ay kakampihan niya raw si Rendon. Nilinaw naman ni Tuesday na wala siyang inaaway at kaya lamang siya apektado ay dahil nakatrabaho at nirerespeto niya si Michael V kagaya ng maraming kagaya niyang mga aartist.a

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel