Matteo Guidicelli, masayang sinalubong ng kanyang Unang Hirit family
- Masayang sinalubong si Matteo Guidicelli ng kanyang Unang Hirit family
- Una siyang napanood sa programang ito ngayong May 15 kung saan may mga 'welcome gifts'na binigay sa kanya ang kapwa Unang Hirit hosts
- Akma ang programa sa kanya gayung 'morning person' daw talaga si Matteo
- Aliw na aliw na agad sa kanya ang kanyang mga kasama lalo na at ilang beses niyang binati ang kanyang misis na si Sarah Geronimo- Guidicelli
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agad nang napanood si Matteo Guidicelli sa Unang Hirit ngayong May 15. Ito ang unang appearance ni Matteo sa GMA bilang pagbabalik Kapuso niya.
Nalaman ng KAMI na masayang sinalubong siya ng kanyang Unang Hirit family na 'G na G' sa pag-welcome sa kanya.
Ayon kay Matteo, akma ang show sa kanya gayung morning person pala talaga ito.
"I usually wake up at 5:30," ngunit dahil nasa Unang Hirit na siya, 3:30 na raw siya gumigising para sa naturang programa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Binigyan din siya ng starter kit ng kanyang mga kasamang host sa morning show at alam nilang magagamit talaga ito ni Matteo.
Sinabi rin sa kanya ng mga kasama na ang kanilang barkadahan sa Unang Hirit ay maging off-cam din. Kaya naman naisip agad ni Matteo na imbitahan ang mga kasama sa susunod na concert ng kanyang misis na si Sarah Geronimo.
"Kaya next time sir, imbitahan ko kayo sa concert ni Sarah ah," pinasalamatan niya ang mga nanood ng concert ng kanyang misis at sa susunod na show nito, kasama na niya ang Unang Hirit barkada.
Aliw na aliw din sa kanya ang mga kasama dahil nakailang beses na nitong binati ang kanyang misis na si Sarah Geronimo.
"Matteo, pang-apat na bati mo na 'yan," biro sa kanya ni Arnold Clavio. Agad ding napasabak sa pagluluto si Matteo sa kanyang segment na Let's G!
Si Matteo Guidicelli ay isang Filipino actor, model, singer, entrepreneur at kart racer. Taong 2020 nang ikasal siya sa nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Sa isang panayam kay Matteo, sinabi nitong Handang-handa na umano sila ni Sarah na maging 'mommy' at 'daddy' bago sana matapos ang taong 2023.
Marami pa umano silang commitments ni Sarah na dapat gawin kabilang na rito ang matagumpay na 20th anniversary concert ng Popstar Royalty at ang mga gagawing show ni Matteo ngayon na isa na siyang Kapuso. Aniya, iba't ibang makabuluhang shows ang gagawin niya sa GMA na talaga namang kaabang-abang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh