Slater Young sa naunang pahayag: "Parang nahiya ako of the things that I've said"
- Minabuti ni Slater Young at Kryz Uy na magsalita tungkol sa kontrobersiyal na podcast nila kamakailan
- Aminado si Slater na nahiya siya nang mapagtantong mali ang kanyang binitawang pahayag
- Humingi ng dispensa si Slater sa kanyang sinabi na normal lang na pagpantasyahan ng kalalakihan ang mga babae sa isang group chat
- Ani Slater, malaking eye-opener sa kanya ang kanyang karanasan nitong mga nagdaang araw
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Slater Young na nahiya siya sa kanyang nasabi na normal lang umano sa mga lalaki na mag-send ng larawan ng mga babae sa mga group chat at pagpantasyahan ang mga ito. Humingi siya ng dispensa sa kanyang nasabi sa pamamagitan ng kanilang podcast ni Kryz Uy.
Ayon pa kay Slter, nang mabasa niya ang mga article tungkol sa kanya nitong nakasarang mga araw, hindi siya nagalit ngunit nahiya daw talaga siya.
Para naman kay Kryz, magsilbing aral sa kanila na maging mas maingat sa kanilang mga payo na binabahagi sa kanilang podcast.
Hindi naman nababahala si Kryz sa naunang pahayag ng kanyang asawa dahil alam daw niyang hindi gagawin sa kanya iyon ni Slater.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Slater Young ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa mga PBB housemates kung saan siya ang hinirang ng big winner. Ikinasal siya sa influencer at vlogger na si Kryz Uy.
Kahit hindi na aktibo sa showbiz, nasusubaybayan pa rin ng kanyang mga tagahanga si Slater sa pamamagitan ng social media. Matatandaang ipinakita ni Kryz ang actual footage ng pangaganak niya sa panganay na anak nila ni slater na pinangalanan nilang Scott Knoa Young.
Matatandaang minabuti ni Kryz na burahin ang bahagi ng kanyang vlog episode na naglalabas siya ng sama ng loob sa isang medtech. Humingi din siya ng dispensa sa kanyang nasabi dahil nadala lamang siya ng kanyang emosyon lalo at nagdadalang-tao din siya. Matapos umano niyang mapanood ang isang video kung saan nilinaw ng isang medtech na hindi madali ang kumuha ng dugo lalo na sa bata, naliwanagan umano siya. Inihingi niya ng paumanhin sa buong medtech community ang kanyang nasabi at gayundin sa medtech na nasabihan niya ng hindi maganda.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh