Francine Diaz at Seth Fedelin, pinakilig ang mga fans sa kanilang FranSeth anniversary vlog

Francine Diaz at Seth Fedelin, pinakilig ang mga fans sa kanilang FranSeth anniversary vlog

- Binahagi ni Francine Diaz ang isang vlog kung saan kasama niya ang on-screen partner niyang si Seth Fedelin

- Aniya, ito ay para sa kanilang FranSeth fans na sumuporta sa kanila simula pa noong 2019

- Kinakiligan ang dalawa lalo na ang pagiging gentleman ni Seth kay Francine

- Marami sa FranSeth fans ang natuwa na makita ang dalawa na kahit aminadong magkaibigan ay nakakakilig pa rin lalo na para sa kanilang mga tagahanga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilig nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang mga Franseth fans sa pinakabagong vlog na binahagi ni Francine. Ito daw ay para sa mga FranSeth fans.

Francine Diaz at Seth Fedelin, pinakilig ang mga fans sa kanilang FranSeth anniversary vlog
Francine Diaz at Seth Fedelin, pinakilig ang mga fans sa kanilang FranSeth anniversary vlog (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Makikita sa vlog na si Seth ang kumukuha ng video. Kahit pa habang nakasakay sa Fly Fish Ride ay si Seth ang may hawak ng camera.

Read also

Ogie, inusisa sina Cherry Pie at Edu: "Hindi ko na alam kung sila pa rin"

Nag jet ski din silang dalawa. Marami sa FranSeth fans ang natuwa na makita ang dalawa na kahit aminadong magkaibigan ay nakakakilig pa rin lalo na para sa kanilang mga tagahanga.

May mga nakapuna kung gaano pinapakita ni Seth ang pagpapahalaga niya kay Francine. Maging bago ito kumapit habang nasa jet ski ay nagpaalam pa muna ito:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napaka gentlemen ni seth, ung magpapaalam pa sya ke chin pra hawakan is a big points for me... respect
Sobrang effort sa part ni Seth na hinawakan nya yung GoPro all the time para may ma'Vlog si Francine ❤️ Gosh!!! sana kayo naaaaaa
Salamat sa Laging pag papa kilig sa Amin mga Franseth FANS nyu laging naka abang sa kaganapan nyu.. Happy Fourth Anniversary kahit last year nyu lang akong naging fan.

Read also

Cristy, sinabing napupuna umano si Jinkee sa mga post nito sa gitna ng kaso kay Manny Pacquiao

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel