Kylie Padilla: "Why take her to Mexico if you’re just going to bully her"

Kylie Padilla: "Why take her to Mexico if you’re just going to bully her"

- Naghayag si Kylie Padilla ng kanyang saloobin kaugnay sa kaibigang si Michelle Dee

- Ito ay matapos ang nag-viral na video kung saan kasama niya ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip

- Aniya, bakit pa dinala si Michelle sa Mexico kung ibu-bully lang naman daw ito

- Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma din tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Kylie Padilla ang kanyang saloobin kaugnay sa umano'y pangbu-bully sa kaibigang si Michelle Dee. Kinuwestiyon niya kung bakit pa ito isinama sa Mexico kung ganun lang din ang gagawin sa kanyang kaibigan.

Kylie Padilla: "Why take her to Mexico if you’re just going to bully her"
Kylie Padilla: "Why take her to Mexico if you’re just going to bully her"
Source: Instagram
Why take her to mexico if you’re just going to bully her. My queen is just wasting her energy and power frankly, on all of you UGH

Read also

Maxene Magalona, kinabiliban sa kanyang 'Mga Kababayan ko' performance

Sumagot naman si Michelle sa mensaheng ito ng kanyang kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate