Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"

Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"

- Sinagot ni Tuesday Vargas ang komento ni Valentine Rosales kaugnay sa pahayag ni Rendon kamakailan

- Sa isang social media post ng isang online news site, sinabi ni Valentine na hindi daw dapat makialam si Tuesday dahil aniya ay laos na rin ito

- Dagdag pa niya, kung makikisawsaw daw si Tuesday sa isyu ay kakampihan niya raw si Rendon

- Nilinaw naman ni Tuesday na wala siyang inaaway at kaya lamang siya apektado ay dahil nakatrabaho at nirerespeto niya si Michael V kagaya ng maraming kagaya niyang mga aartista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muli ay nilinaw ni Tuesday Vargas na wala siyang inaaway sa kanyang nilabas na pahayag. Sa isang social media post ng isang online news site, sinabi ni Valentine na hindi daw dapat makialam si Tuesday dahil aniya ay laos na rin ito at sinagot ito ni Tuesday.

Read also

Kim Chiu, natahimik nang mapag-usapan ang tungkol sa mga ex

Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?" (@tuesday_v)
Source: Instagram

Sa isang post tungkol sa pagtatanggol ni Tuesday kay Michael V, sinabi ni Valentine na kung makikisawsaw daw si Tuesday sa isyu ay kakampihan niya raw si Rendon.

Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa sagot ni Tuesday sa komento ni Rendon, inihayag niya ang kanyang opinyon. Aniya, dapat ay maging responsable din ang mga content creator.

Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Source: Facebook

Dagdag pa ni Tuesday responsibilidad ng lahat ng nasa showbiz na maging responsable at gumawa ng content na hindi angkop na mapanood ng publiko.

Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Tuesday Vargas kay Valentine Rosales: "Ano to? Parang bata na may kampihan na nagaganap?"
Source: Facebook

Si Tuesday Vargas o Marizel Sarangelo-Placido ay isang Filipina singer, actress, comedian at isa sa judge ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Matatandaang sumagot si Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan - Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creato.

Read also

Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat"

Umalma si Tuesday tungkol sa aniya'y post tungkol sa usaping mainstream celebrities versus social media stars.Inilabas ni Tuesday ang saloobin kaugnay dito at inilahad niya ang talentong mayroon ang mainstream artists na nahubog sa maraming taon sa showbiz. Aniya, hindi niya masikmurang binabastos ang isang artistang respetado sa industriya Nilinaw niya rin na wala siyang inaaway ngunit aniya ay mas pipiliin niya yung talentadong tao na makakahubog ng kamalayan ng manonood kesa sa taong malaki umano ang clout pero walang respeto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate