Maricel Soriano at Cherry Pie Picache, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan

Maricel Soriano at Cherry Pie Picache, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan

- Kinaaliwan ang chikahan nina Maricel Soriano at Cherry Pie Picache sa bagong vlog ng Diamond star

- Isa-isa nilang binalikan ang kanilang mga naging memories sa kanilang mga trabaho kung saan nagkasama sila

- Naitanong ni Maricel kay Cherry Pie kung kamusta daw ang puso ni Cherry Pie

- Natawa si Cherry Pie sa tanong ito pero aniya ay okay naman daw ang kanyang puso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong ni Maricel Soriano kay Cherry Pie Picache kung kamusta daw ang puso nito. Natawa naman si Cherry Pie sa tanong na ito ni Maricel.

Maricel Soriano at Cherry Pie Picache, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan
Maricel Soriano at Cherry Pie Picache, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan (Maricel Soriano/YouTube)
Source: Youtube

Ani Cherry Pie, okay naman ang kanyang puso. Aniya hindi naman nakadepende sa ibang tao ang kaligayahan kaya okay naman daw siya.

Hindi diretsahang sinagot ni Cherry Pie ang tanong na ito na Maricel pero hindi na nila nabanggit ang tungkol sa napabalitang relasyon ni Cherry Pie.

Read also

Diether Ocampo, trending matapos ang kanyang pagdalo sa ABS-CBN ball

This episode is an epic! I must say Maam Maricel is flexible with the kind of guest that she invites. This one with Ms. Pie, is full of humor & Ms. Pie's personality reveals her cheerfulness that compliments Maam Marya's flair of asking questions. I had a great time!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakatuwa, alam mo pag kaclose ni Inay ung iniinterview nya. It shows naturally. Spontaneous and the interview went well. Labyu both Inay Marya and Pie. Hehe. Aliw na aliw ako sa part na natapon ang paycheck
Sobrang nakangiti din ako while watching this vlog ni Ms. Maria, ang comfy nila magusap parehas. Nakakahawa yung mga tawa nila . Yung parang page nag uusap sila nag uusap din mga mata nila

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan Darating ang Umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Read also

Cristy Fermin kay Kathryn Bernardo: "pataas na nang pataas ang lebel niya"

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel