Alexa Ilacad, na-beastmode sa mga nabasang toxic comments

Alexa Ilacad, na-beastmode sa mga nabasang toxic comments

- Hindi maitago ni Alexa Ilacad ang kanyang pagkaasar sa ilan sa mga nabasang toxic comments

- Sa isang video ng Star Magic sa YouTube, isa-isang binasa ni Alex ang mga komentong talaga namang nakapagpa-beastmode sa kanya

- Ani Alex, wala sa size ng katawan ang pagiging healthy kaya hindi dapat magkomento ang ibang tao tungkol dito

- Ilang beses nang naging biktima si Alexa ng body shaming sa kanyang mga social media posts

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Alexa Ilacad, nakaka-beastmode ang mga toxic comments lalo na tungkol sa body shaming. Sa isang video ng Star Magic sa YouTube, isa-isang binasa ni Alex ang mga komentong talaga namang nakapagpa-beastmode sa kanya.

Alexa Ilacad, na-beastmode sa mga nabasang toxic comments
Alexa Ilacad, na-beastmode sa mga nabasang toxic comments (@alexailacad)
Source: Instagram

Kabilang sa mga nabasa niyang komento ay tungkol sa body shaming at mga nagsasabing "tama lang na mabastos dahil sa pananamit."

Ani Alex, wala sa size ng katawan ang pagiging healthy kaya hindi dapat magkomento ang ibang tao tungkol dito. Ilang beses nang naging biktima si Alexa ng body shaming sa kanyang mga social media posts.

Narito ang ilang komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Alexa always gives realizations of how we should value our whole being and what we should do to combat social stigma of beauty and gender standards.
She’s a woman of substance! I love her words of wisdom
This girl is really more than a pretty face. That's why Alexa is my standard.

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Marami ang humanga kay Alexa nang pumasok siya sa PBB house. Isa sa naging malapit sa kanya sa loob ng bahay ay si KD Estrada. Nang makalabas na sila, lalong dumami ang supporters ng kanilang tambalan na KDLex. Sa katunayan, maging si Melai Cantiveros ay nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa kanilang tambalan.

Kamakailan ay pinakilig nina Alexa at KD ang kanilang mga fans matapos nilang pagbigyan ang request ng mga ito. Isang Jowa Challenge ang kanilang ginawa sa pinakabagong video na binahagi ni Alexa sa kanyang YouTube channel. Naging maalaga si KD kay Alexa dahil hindi umano maganda ang kanyang pakiramdam at siya mismo ang bumili ng gamot para sa kapareha. Matatandaang unang nabuo ang tambalang KDLex matapos nilang lumabas sa Pinoy Big Brother bilang mga celebrity housemates.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate