Jake Ejercito, ibinida ang aniya'y 'unli haynaku' convo nila ni Ellie

Jake Ejercito, ibinida ang aniya'y 'unli haynaku' convo nila ni Ellie

- Ibinida ni Jake Ejercito ang pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito

- Sa kanyang post ay makikita ang nakakaaliw na pag-uusap nilang mag-ama kung saan ilang beses nilang nabanggit ang salitang 'haynaku'

- Kaya naman, sa caption ng #JEllieConvos na ito ay nakalagay ang 'unli haynaku'

- Muling kinaaliwan ang post na ito ni Jake na umani ng mga komento mula sa mga netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Jake Ejercito ang screenshot ng naging pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito. Kinaaliwan ng marami ang ani Jake ay 'unli haynaku' convo nila ni Ellie.

Jake Ejercito, ibinida ang aniya'y 'unli haynaku' convo nila ni Ellie
Jake Ejercito, ibinida ang aniya'y 'unli haynaku' convo nila ni Ellie
Source: Facebook

Makikita sa kanyang post na sinabi ni Ellie na hindi niya mahanap ang kanyang telepono ngunit kinalaunan ay nakita niya rin sa kanyang kumot.

Turo naman ni Jake ay dapat ginamit niya ang Ipad para hanapin ang kanyang cellphone.

Read also

Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng samu't-saring komento ang naturang post ni Jake at karamihan sa mga ito ay patungkol sa magandang samahan ng mag-ama pati na rin nina Jake at Andi.

Having conversations with your little one is just so cute!
So cute Ng mag ama na ito I am so happy for you and I love it
Hay naku! Ang cute cute n'yo talaga mag ama

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Read also

Melanie Marquez, napatayo nang tawagin ang pangalan ni Michelle Dee sa Top 20

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel