Ogie Diaz, dinepensahan si Carlo Aquino: "Kala ang laki ng kasalanan kung i-bash nila nang bongga"

Ogie Diaz, dinepensahan si Carlo Aquino: "Kala ang laki ng kasalanan kung i-bash nila nang bongga"

- Dinipensahan ni Ogie Diaz si CarloAquino na umano'y na-bash nang husto kamakailan

- Ito ay dahil sa nag-viral na video nito na napaligiran ng mga guwardiya sa isang mall

- Kahit walang tao na umano'y dumudumog kay Carlo ay napakarami pa ring mga guwardiya na nakapalibot sa kanya habang naglalakad

- Ani Ogie, parang napakalaki ng kasalanan umano ni Carlo para mahusgahan ng mga tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Ogie Diaz ang aktor na si Carlo Aquino na umano'y naba-bash nang husto dahil sa isa nitong video kamakailan.

Ogie Diaz, dinepensahan si Carlo Aquino: "Kala ang laki ng kasalanan kung i-bash nila nang bongga"
Carlo Aquino (@jose_liwanag)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha ang naturang video sa isang mall kung saan nagkaroon umano ng show si Carlo.

Subalit, kapansin-pansin ang dami ng mga gwardiyang nakapaligid sa kanya kahit wala na masyadong fans at iba pang mga tao na lumalapit kay Carlo.

Read also

Xian Gaza, ipinagtanggol si Zeinab: "Respetuhin po natin ang kanilang private life"

"Pinagkaguluhan daw si Carlo Aquino ng mga guwardiya di raw ng mga fans, mas marami raw yung mga gwardiya kaysa yung mga gustong makikamay na fans," ani Ogie

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Akala naman nila e ang laki-laki ng kasalanan ng taong ito sa kanila. kung i-bash nila ng bonggang-bongga," ani Ogie patungkol sa mga pumuna sa video na ito ni Carlo.

"Hindi naman natin alam kung sa bahaging 'yun ay wala nang mga fans pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-kurdon ng mga gwardiya."

"Baka galing dun sa ano na maraming tao, na hindi nakunan na dire-diretso dun sa parang secret passage tapos yun ang nakunan na puro gwardiya na yung kasunod," dagdag pa ni Ogie.

Kaya sanay 'wag daw husgahan agad si Carlo dahil maaring ang mismong mall naman talaga ang nagbigay ng ganoong karaming security at maaring hindi lamang nila ito ginawa kay Carlo at maging sa ibang mga kilalang personalidad na bumibisita sa kanila.

Read also

Ogie Diaz, 'di raw magawang magalit kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naunang episode din ng kanyang Showbiz Update channel natalakay ang kanilang komento tungkol sa bagong kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga love team sa Pilipinas. Dahil dito, tila nakiusap umano si Mama Loi kay Liza na sana'y sa susunod na interview nito, iangat naman ni Liza ang Philippine showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel