Pokwang, nag-post tungkol sa pa-victim na ama na umaastang pinagbabawalang makita ang anak
- Muling nagbahagi si Pokwang ng video tungkol sa umano'y ama na nagpapaawa at umaastang pinagbabawalang makita ang kanyang anak
- Nabanggit niya rin ang tungkol sa bagong karelasyon na naniniwala sa sinasabi nito
- Hindi man nagbabanggit ng pangalan ay kadalasang ito ang tema ng mga post ni Pokwang sa kanyang social media
- Ito ay kasunod ng kanyang pag-amin tungkol sa hindi magandang paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa post ni Pokwang sa kanyang IG stories, patungkol naman sa pa-victim na ama ang kanyang binahagi. Umaasta umano itong pinagbabawalang makita ang anak.
Nabanggit din dito ang bagong karelasyon ng lalaki na paniwalang-paniwala sa sinasabi sa kanya. Hindi man nagbabanggit ng pangalan ay kadalasang ito ang tema ng mga post ni Pokwang sa kanyang social media.
Palaban din kung sumagot ang TV host at comediene sa kanyang mga bashers na nanghuhusga sa kanyang pagpo-post patungkol dito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.
Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang isyu ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.
Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh