Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak

Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak

- Naglabas ng saloobin si Xander Ford sa kanyang Instagram stories

- Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak

- Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya

- Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dismayado si Xander Ford matapos hindi sumipot ang ilang taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Wala itong binanggit na dahilan at di din niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy.

Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak
Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak (@z4nder.official)
Source: Facebook
“Ngayon yung binyag ng anak ko ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala,"
Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak
Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak (z4nder.official)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Vice Ganda, pabirong inulit ang kanyang "You're so rude" comment

Ayon kay Xander, kahit ang presensiya lang sana ng mga taong ito ay ayos na sa kanya. Ngunit aniya ay hindi naman sila mga importanteng tao dahil hindi naman na daw sila sikat.

“Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat.”
Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak
Xander Ford, nadismaya sa inimbitang bisita sa binyag ng anak (z4nder.official)
Source: Instagram

Sa binahaging invitation ni Xander ay makikita na ginanap ang binyag sa Silang Cavite sa Nuestra Señora de Candelaria Candle chapel. Sa Green Villa Resort naman sa Alfonso, Cavite ang reception ng binyag.

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Ibinahagi ni Xian Gaza na binigyan na niya umano ng trabaho si Marlou. Matatandaang kamakailan ay humingi ito ng tulong sa kanya nagbabaka sakaling may trabahong maaring ibigay sa kanya. Nagbiro man si Xian na dadalhin umano niya sa Ukraine si Xander, binigyan pa rin niya ito ng mapapagkakitaan.

Read also

Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-uusap nila Marlou at Xian Gaza. Naibahagi ni Xian ang kanilang naging pag-uusap kung saan sinabi ni Marlou na nais niyang magpatayo ng pizza business. Agad namang nagbigay ng kanyang mga suggestions si Xian para sa binabalak ni Marlou na itayong negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate