Ivana Alawi, napabili ng alahas sa Paris matapos makita ang poging doorman

Ivana Alawi, napabili ng alahas sa Paris matapos makita ang poging doorman

- Pinakita ni Ivana Alawi ang video ng kanilang pag-shopping sa Paris kasama ang kanyang mama at kapatid na si Mona Alawi

- Sa isang bahagi ng video ay makikita si Ivana na kinikilig sa doorman ng isang store ng alahas

- Sinubukan niyang lumapit at kinalaunan ay napabili ng alahas mula sa naturang store

- Paglabas niya ay diretsahan niyang sinabihan ang doorman na napabili siya ng alahas dahil sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kilig na kilig si Ivana Alawi sa doorman ng isang jewelry store sa Paris. Napabili siya ng kwintas na gusto niya at paglabas niya ay diretsahan niyang sinabihan ang doorman na napabili siya ng alahas dahil sa kanya.

Ivana Alawi, napabili ng alahas sa Paris matapos makita ang poging doorman
Ivana Alawi, napabili ng alahas sa Paris matapos makita ang poging doorman (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Gayunpaman, nilinaw ni Ivana na gusto niya naman dati pa na bumili ng kwintas mula sa brand na iyon. Ngumiti naman sa kanya ang naturang lalaki nang kausapin niya.

Read also

Angelica Panganiban, muling nakapag-yoga sa kabila ng kanyang sciatica

Ani Ivana, naapreciate niya lang ang kapogian ng lalaking kanyang nakita ngunit aniya ay hindi niya jojowain dahil Pinoy pa rin daw ang tipo niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate