Zeinab Harake, sinabing si Lucas ang tunay na partner niya pagdating sa pag-aalaga kay Bia

Zeinab Harake, sinabing si Lucas ang tunay na partner niya pagdating sa pag-aalaga kay Bia

- Ayon kay Zeinab Harake ang anak niyang si Lucas ang tunay niyang kapartner pagdating kay Bia

- Gumagawa umano ito ng mga paraan para matulungan niya si Zeinab sa pag-aalaga ng kanyang kapatid

- Ito ang nabanggit ni Zeinab nang magbigay siya ng mensahe para sa kaarawan ni Bia

- Binahagi niya rin sa kanyang pinakabagong vlog ang Barbie-themed birthday party ni Bia na ginanap sa isang beach resort

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Zeinab Harake, si Lucas umano ang kanyang tunay na ka-partner pagdating sa isa pang anak niyang si Bia. Gumagawa umano ito ng mga paraan para matulungan niya si Zeinab sa pag-aalaga ng kanyang kapatid.

Zeinab Harake, sinabing si Lucas ang tunay na partner nya pagdating sa pag-aalaga kay Bia
Zeinab Harake, sinabing si Lucas ang tunay na partner nya pagdating sa pag-aalaga kay Bia (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Zeinab na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nagmamalasakit sa kanila at hiling niya ang patuloy na paggabay sa kanyang mga anak. Dagdag pa niya, kahit huwag na siya at ang mga anak na lang niya dahil kailangan umano ng mga ito ng pagmamahal.

Read also

Zeinab Harake, nagpakitang gilas sa kanyang fire dance number

Binahagi niya rin sa kanyang pinakabagong vlog ang Barbie-themed birthday party ni Bia na ginanap sa isang beach resort.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate