Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

- Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya

- Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito

- Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam

- Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ryan Bang na may girlfriend na siya. Si Vice Ganda daw ang una niyang sinabihan at ayon pa kay Vice Ganda, naiyak ito nang tawagan niya.

Ryan Bang, naiyak nang sabihin kay Vice Ganda na may girlfriend na siya
Ryan Bang, naiyak nang sabihin kay Vice Ganda na may girlfriend na siya(@ryanbang)
Source: Instagram

Masayang-masaya ang kanyang It's Showtime Family sa magandang bagay na nangyari kay Ryan dahil matagal din itong walang karelasyon.

Binahagi naman ni Vice kung paano sinabi sa kanya ni Ryan ang balita.

Read also

Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"

Kahapon ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa akin. Ang saya-saya niya sabi niya "Mommy ikaw ang una kong sasabihan" Tapos tinawagan ko siya, umiiyak siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagot naman ni Ryan, gusto niya talagang si Vice Ganda ang unang makakaalam.

Siyempre gusto ko ikaw unang makakaalam mommy. Sobra kong saya kasi siyempre ang tagal ko naging single.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Matatandaang agad na nag-viral ang video sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Read also

Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel