Tyronia Fowler, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang lola na pabalik na sa Amerika
- Todo-iyak si Tyronia Fowler habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang lola na biological mother ng kanyang mommy
- Aniya tatlong taong gulang pa lang siya nang huli niyang makita ang kanyang lola na tinawag daw niya noon bilang Madam Gema
- Maging si Toni ay naiyak sa mensahe ng kanyang anak sa kanyang lola na aniya ay naging malapit sa kanya kahit saglit lang sila nagkasama
- Ani Toni, bilang lumaki siya sa kanyang lola ay hindi niya alam kung paano ang mayroong ina at sa pag-uwi nito kamakailan ay marami daw siyang natutunan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang naantig kay Tyronia Fowler nang magbigay siya ng mensahe sa kanyang lola na bumalik na sa Amerika matapos ang kanyang bakasyon sa Pilipinas. Ani Tyronia, 3 taon pa lang siya nang huli niyang makita ang kanyang lola.
Maging si Toni ay naiyak sa kanyang anak. Aniya, nakita niya kung paano ang maging ina sa maikling panahon na nakasama nila ang kanyang mommy. Sabi pa ni Toni, lumaki siyang kasama ang kanyang lola na ang paborito umano ay ang kanyang ate Mari. kaya naman, hindi naging madali sa kanya ang gampanan ang pagiging ina dahil hindi niya umano ito naranasan.
Nagpasalamat siya sa kanyang mommy dahil aniya ay may natutunan siya dito sa ilang araw nilang pagsasama.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.
Source: KAMI.com.gh