Ara Mina, naikwentong pangalan talaga ng mga kapatid ang kanyang screen name
- Sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga, naikwento ni Ara Mina ang tungkol sa kapatid na si Mina na mayroong special needs
- Nabanggit din niyang kay Mina nakuha ang screen name niyang Ara Mina gayung ang tunay na pangalan niya ay Hazel
- Ang Ara naman ay tunay umanong pangalan ni Cristine Reyes na kapatid din niya
- Doon din niya nasabi kung bakit "Aa" ang naging palayaw ni Cristine na hindi mabanggit ang letrang "R" noong bata pa siya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ni Ara Mina ang tungkol sa kanyang screen name na mula pala umano sa kanyang mga kapatid na si Mina at aktres din na si Cristine Reyes.
Nalaman ng KAMI na isa si Ara sa mga naging panauhin ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga kung saan niya nabanggit ang tungkol sa kanyang screen name.
Isa siya sa mga guest kung saan mayroong kapatid o mahal sa buhay na mayroong special needs.
Doon, naikwento niya ang bunsong kapatid na si Mina na mayroong down syndrome.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Siya si Mina. Doon nangggaling yung Mina ko. Mag-30 years na ako sa industry. eksakto, 30 years old siya ngayon. Bale nung pumasok ako, Kinuha niya yung kasi Mina Princess siya e. Tapos si Cristine, Ara Cristine 'yun. Kaya Aa ang tawag sa kanya dahil hindi niya ma-pronunce yung letter R nung bata siya," kwento ni Ara.
"Pero wala naman sa birth certificate niya 'yung Ara but Ara Cristine ang pinangalan sa kanya ng mommy ko," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga:
Si Ara Mina ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez.
Kamakailan, naging usap-usapan ang cryptic post ni Ara Mina na inakala ng marami na patungkol sa kanyang mister.
Taliwas sa inaakala ng marami, isang kaibigan ang kanya umanong tinutukoy. Wala rin daw ito sa circle of friends niya sa showbiz.
Napasabay halos kasi ito sa kasagsagan ng cryptic post ni Priscilla Meirelles patungkol sa mister niyang si John Estada.
Kaya naman agad na nilinaw ni Ara sa pamamagitan ni Ogie Diaz na "Very much on at very sila pa rin" sila ng kanyang mister.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh