Iza Calzado, binahagi ang picture ng anak na tatlong buwan na
- Binahagi ni Iza Calzado ang picture ng kanilang anak na si Deia Amihan Calzado Wintle na tatlong buwan na
- Sa unang pagkakataon ay pinakita ni Iza ang buong mukha ng anak nila ng asawang si Ben Wintle
- Kalakip ng pictures na ito ng anak nila ay nagbahagi si Iza ng kanyang mensahe para sa anak
- Umani ito ng mga komento mula sa mga kasamahan ni Iza sa showbiz
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Iza Calzado sa unang pagkakataon ang mukha ng anak niyang si Deia Amihan Calzado Wintle sa pamamagitan ng isang Instagram post. Kalakip ng mga binahagi niyang pictures ay ang mensahe niya sa anak na ngayon ay tatlong buwan na.
Our little seedling is growing fast. As you turn 3 months old today, we set the intention of nurturing you so that you reach your fullest potential and fulfill your divine purpose in this world. By God’s grace, your future is brighter than we could ever imagine!
Kabilang sina Anne Curtis, Sunshine Dizon, Jodi Sta Maria. Pauleen Luna at Shaina Magdayao sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagbahagi ng kanilang pagbati sa naturang post ni Iza.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle o mas kilala ng publiko bilang si Iza Calzado ay isang aktres at modelo. Ang youth-oriented show na "Click" sa GMA ang unang TV program kung saan naging bahagi si Iza. Ikinasal siya sa businessman na si Ben Wintle noong December 2018.
Sa isang Instagram post ay nagbahagi ng mensahe si Iza para sa kanyang namayapang amang si Lito Calzado. Sa naturang post ay binahagi niya ang ilang throwback pictures ng ama kalakip ng kanyang mensahe para sa paggunita ng kaarawan ng kanyang ama na dapat ay 78 na taong gulang na. Bahagi ng kanyang mensahe ang linyang "Once a daddy's girl, forever a daddy's girl".
Samatala, nitong Enero din ng kasalukuyang taon ay binahagi ni Iza ang mga nagagandahang pictures na kuha sa kanyang maternity shoot. Bukod sa kanyang picture ay mayroon din siyang binahagi na pictures kasama ang kanyang mister. Ang pamosong photographer na si BJ Pascual ang kanilang kinuha. Sa naturang post ay humiling siya ng dasal para sa kanyang nalalapit na panganganak.
Source: KAMI.com.gh