BJ "Tolits" Forbes, emosyonal na binahagi ang pagkakasakit ng kanyang anak

BJ "Tolits" Forbes, emosyonal na binahagi ang pagkakasakit ng kanyang anak

- Naibahagi ni BJ "Tolits" Forbes ang kasalukuyang pinagdadaanan nila ng kanyang pamilya matapos magkasakit ang kanyang anak

- Nagkaroon ito ng seaisures at kinalaunan ay dumating pa sa puntong na-coma ang anak niya nang dalawang araw

- Sa kasalukuyan ay patuloy ang paggaling ng anak pero hindi pa rin umano ito nag-rerespond

- Para kay BJ ang kanyang anak ang pinakamahalagang nangyari sa kanyang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si BJ "Tolits" Forbes habang kinikuwento niya ang pinagdadaang hirap dahil sa pagkakasakit ng kanyang anak. Naibahagi niyang dumating pa sa puntong na-coma ang kanyang anak nang dalawang araw.

BJ "Tolits" Forbes, emosyonal na binahagi ang pagkakasakit ng kanyang anak
BJ "Tolits" Forbes, emosyonal na binahagi ang pagkakasakit ng kanyang anak (@its.bjforbes)
Source: Instagram

Taong 2020 daw nang unang nagka-seizure ang kanyang anak ngunit hindi kaagad nalaman ang pinakadahilan dahil sa COVID noon at hindi ito masyadong natutukan nang dalhin sa ospital.

Read also

Miss Grace, kinaaliwan sa kanyang binahaging kauna-unahang vlog

Nang muli itong nag-seizure ay agad nilang dinala sa ospital ngunit tumagal daw ang seizure nito kaya naapektuhan ang utak ng anak niya. Kaya naman sa kasalukuyan ay nagsimula daw muli ang anak dahil hindi na ito nakakalakad.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang paggaling ng anak pero hindi pa rin umano ito nag-rerespond. Para kay BJ ang kanyang anak ang pinakamahalagang nangyari sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Proud of you sir Bj. Parehas po tayo ng feeling. I was incomplete tapos nuong dumating ang mga anak ko, dun ako lubusang sumaya. Like you, I will do anything for them and will live and work for them.
We are proud of you Tolits! Sobrang strong mo at kahanga hanga ang pagmamahal mo sa pamilya mo.. sa anak mo. Laban lang. Malalagpasan nyo din ang pagsubok. Gagaling si baby in Jesus’ name.

Read also

AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica

Sobrang matured na mag isip ni BJ. Your parents must be proud of you. Ang daming words of wisdom. Puro posiitive lang ang mga sinasabi. Dapat tularan. I will pray for your baby and sa family mo. God bless you.

Si BJ "Tolits" Frobes ay unang sumikat sa Eat Bulaga sa “That’s My Boy” noong 2003. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Ful Haus, Encantadia, Etheria, Fantastikids at mga TV commercials. Nagpahinga din siya sa showbiz para pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Matatandaang naibahagi ng KAMI ang tungkol sa update tungkol kay BJ nang muli siyang bumalik sa showbiz. Naging bahagi siya ng seryeng Sahaya sa kanyang pagbabalik showbiz. Naging publc servant siya at nagsilbing Youth Chairperson.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate