Anak, proud sa ina na namigay ng libre meryenda sa mga batang perfect score sa exams

Anak, proud sa ina na namigay ng libre meryenda sa mga batang perfect score sa exams

- Proud ang isang anak sa kanyang ina na namigay ng libre meryenda sa mga batang perfect score sa exams

- Kwento ng anak, magiliwin ang kanyang ina sa mga batang dumadaan sa kanilang tindahan

- Katunayan, binibigyan din daw nila ang mga batang wala talagang baon at walang makakain sa maghapon sa paaralan

- "Nanay" na rin talaga ang tawag ng karamihang bata na nakakikila sa kanyang ina dahil sa pagkalinga niya sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga ang 56-anyos na ginang na si Nanay Livy Gedoria na naisipang pasayahin lalo ang mga batang mag-aaral sa kanilang lugar upang magpursige pa lalo ito sa kanilang pag-aaral.

Anak, proud sa ina na namigay ng libre meryenda sa mga batang perfect score sa exams
Tindahan ni Nanay Livy (Jessiel Ivy Gedoria)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na proud na paroud ang kanyang anak na si Jessiel Ivy Gedoria sa ideya ng ina na sadyang malapit na sa mga estudyanteng dumaraan sa kanilang tindahan.

Read also

Cristy sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie: "Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa"

"Mama is not a teacher, but she receives sweet morning greetings from students every day. She's not their mother, but she treats them like a child of her own. She gives snacks for free to those who are hungry but have no pennies in their pockets. She treats them kindly and asks them if they have taken their breakfast or lunch."

Katunayan, "Nanay" ang tawag ng mga batang kilala na sila sa lugar dahil parang sariling ina na nila si Nanay Livy kung magmalasakit ito sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"They call her "Nanay" and as a mother who wishes the best for her children, she motivates them to do their best, especially in their studies. Whenever they visit our mini snack store, she would remind them to behave, listen to their teacher, study well, and be good students"

Read also

Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu

At mas lalong ginanahang mag-aral ang mga batang nakakita ng kanilang naisipang gawin sa araw ng mga exams ng mga bata. Dahil ang unang 20 na mga mag-aaral na may maipakikitang perfect score ay may libreng merienda mula kay Nanay Livy.

Narito ang kabuuan ng post:

Tunay ngang malaking bagay ang mga simpleng paraan ng pagbibigay saya sa mga mag-aaral gaya ng naisip ni Nanay Livy.

Lalo na ngayong hirap ang mga estudyante sa pampublikong paaralan na nakararanas ng matinding init sa kanilang mga silid.

Dahil dito, nagbigay pahintulot na ang Department of Education na magkaroon ang mga paaralan ng kani-kanyang alternative scheme sa kung paano maiibsan ang nararanasang labis na init sa mga silid-aralan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica