Tito Sotto sa umano'y TF nila nina Vic at Joey: "P30M each ang kakulangan"
- Nagpaunlak ng panayam si Senator Tito Sotto kay MJ Marfori tungkol sa kontrobersyal na pagbabago sa 'Eat Bulaga'
- Isa sa mga nilinaw ni Sen. Tito ay ang utang umano ng TAPE Inc. sa kanilang tatlo ng 'TVJ' o Tito, Vic and Joey]
- Tumataginting na Php30 million pa raw ang kakulangan ng tatlo sa kanilang sahod
- Ani Sen. Tito, imposible umanong nalugi ang TAPE Inc. noong 2022 dahil election period ito at marami umanong mga campaign ads
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam ni MJ Marfori ng News 5 kay Senator Tito Sotto, isiniwalat nito ang umano'y utang pa sa kanila ng TAPE Inc.
Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance executive ng TAPE Inc. na nagsabing wala umanong pagkakautang ang kompanya sa tatlong maituturing na haligi ng "Eat Bulaga" na sina Tito, Vic and Joey.
Pinabulaanan ito ni Senator Tito at sinabing malaking halaga ng pera ang kulang sa dapat ay natanggap nila noong 2022.
"Sabi niya wala raw utang ang TAPE kay Vic at kay Joey, hindi totoo 'yun! malaki ang utang."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"They owe a big sum, of mine with Vic and Joey na parehong ika nga e sa sweldo nila 'yun at sa mga dapat nilang tanggapin"
"Malaki. If I'm not mistaken, 30 million each ang kakulangan. Meron pang mga iba, na mga kakulangan."
Sinasabing ito umano ang dahilan kung bakit nag-takeover na ang mga Jalosjos sa nasabing programa gayung pagkalugi umano ang nakikita nilang dahilan.
"Di pupwedeng sabihing 2022 nalugi kami. Remember, election year yun. Campaign period, ang political ads ay napakarami. So nakakapagtaka."
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Sen. Tito Sotto mula sa News 5:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Kabi-kabilang balita ngayon ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa, 44 taon ang nakalilipas.
Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh