Valentine Rosales kay Belle Mariano: "If na-offend ko siya, I want to apologize"
- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni Valentine Rosales na handa umano siyang mag-sorry kay Belle Mariano
- Ito ay may kaugnayan sa naging komento niya kay Belle na naikumpara umano kay Francine Diaz
- Gayunpman, gusto niya umanong makilala si Belle na tingin niyang isang mabuting tao
- Hindi ito ang unang beses na magkaroon ng kontrobersyal na komento si Valentine at ilan sa mga sumagot umano sa kanya ay sina Chie Filomeno at Rendon Labador
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mga natanong ni Ogie Diaz kay Valentine Rosales ay ang tungkol sa komento nito kay Belle Mariano.
Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan talaga ito lalo na at naikumpara pa si Belle kay Francine Diaz na para umano kay Valentine ay tila mas maganda.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kaya naman sakaling makasalubong niya si Belle, handa raw siyang mag-sorry at nais niya itong makilala gayung mukha raw itong mabait na bata.
"Hindi ko naman siya kilala as a person. Malay mo naman mabait 'uyung ugali. Malay mo naman mabait na bata. Hindi ako iiwas sa kanya, gusto ko siya makilala as a person if ever. 'Yun lang nagsasabi lang naman ako ng opinyon"
"Ang mali ko dun, parang gusto kong purihin 'yung isa na nag-compare pa ako ng iba," ang pag-amin pa ni Valentine.
"If ever na mapanood ito ni Belle Mariano or what, If na-offend ko siya, I want to apologize. kasi you have your own beauty may sarili kang kagandahan. At mabait yung ugali mo," ani Valentine.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Valentine mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Isa si Valentine Rosales sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.
Gumawa siya ng ingay online dahil umano sa kakaibang pagsagot siya sa mga interviews gayundin din ang mga post niya sa social media sa kalagitnaan ng pagharap nila noon sa kaso bilang isa sa mga akusado sa pagkamatay ng kaibigan.
Samantala, Pebrero ng 2022, tuluyan nang ibinasura ng korte ang lahat ng kasong may kaugnayan sa pagkamatay ni Dacera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh