Moonbin ng K-pop group na Astro, pumanaw na sa edad na 25
- Pumanaw na si Moonbin, isang South Korean singer na miyembro ng Astro at ang sub-unit nito na Moonbin & Sanha
- Ayon sa ulat, nadatnan ng kanyang manager ang singer sa tahanan nito na wala nang buhay
- Kinumpirma ng kanyang talent agency na Fantagio ang balitang ito kasunod ng paglabas ng balita sa iba't-ibang Korean entertainment news outlet
- Hiling naman umano ng kanyang pamilya na gawing pribado ang paghahatid sa huling hantungan ng K-pop star
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pumanaw na si Moonbin ng K-pop group na Astro sa edad na 25. Kinumpirma ito ng kanyang talent agency na Fantagio.
Sa ulat ng Allkpop.com, natagpuan ng manager ni Moonbin na wala na itong buhay sa tahanan nito sa Gangnam-gu, Seoul kaya agad siyang tumawag sa police.
Sa ulat naman ng teenvogue.com, ibinahagi ng kanyang talent agency na Fantagio na hiling ng pamilya ng k-pop star na maipagluksa nila nang pribado ang pagpanaw ni Moonbin.
According to the bereaved family's wishes, the funeral will be held as quietly as possible with family, friends and company colleagues in attendance.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nabanggit din sa naturang statement na sana ay iwasan ang malisyosong mga report tungkol sa pagpanaw niya.
We earnestly ask you to refrain from speculative and malicious reports so that the bereaved family who is deeply saddened by the sudden sad news can mourn the deceased.
Si Moonbin ay isang South Korean singer, actor, dancer, at isa ding modelo sa ilalim ng pamamahala ng South Korean entertainment company na Fantagio. Kabilang siya sa South Korean boy group na Astro at ang sub-unit nito na Moonbin & Sanha.
Matatandaang naiulat ang pagpanaw ng South Korean actress na si Kim Mi-soo sa edad na 31. Mismong ang kanyang talent agency na Landscape Entertainment ang nagkumpirma nito noong January 5, 2022. Minabuti ng kanyang agency na huwag nang isapubliko ang tungkol sa sanhi ng kanyang pagpanaw.
Naging usap-usapan din ang pagpanaw ng actor-singer na si Lee Ji Han sa edad na 24. Kabilang siya sa mga nasawing 154 katao sa stampede sa Itaewon, kung saan may pagdiriwang para sa Halloween. Kinumpirma din ito ng kanyang agency na 935 Entertainment. Kabilang sa kanyang mga ginawang proyekto ay “Produce 101 Season 2” at “Today Was Another Nam Hyun Day."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh