Dumbo, hindi mapigilang maiyak matapos muling mahawakan ang anak

Dumbo, hindi mapigilang maiyak matapos muling mahawakan ang anak

- Emosyonal si Dumbo nang sa wakas ay muli niyang mahawakan ang kanyang pinakamamahal na anak

- Ito umano ang unang pagkakataon matapos siyang maaksidente kamakailan sa kanyang minamanehong motorsiklo

- Aniya, kahit anong sakit at kirot na kanyang naramdaman ay tila nawala nang muli niyang mahawakan ang anak

- Marami ang naantig sa nakakaiyak na tagpong ito na muling nagkasama ang mag-ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Dumbo nang muli niyang mahawakan ang kanyang anak sa unang pagkakataon mula nang maaksidente siya. Aniya, kahit anong sakit at kirot na kanyang naramdaman ay tila nawala nang muli niyang mahawakan ang anak.

Dumbo, hindi mapigilang maiyak matapos muling mahawakan ang anak
Dumbo, hindi mapigilang maiyak matapos muling mahawakan ang anak (@dumbolicious)
Source: Instagram
Yung sobra mong miss yong anak mo at nahawakan mo cya sa unang pagkakataon , Kahit gaano ka sakit at kirot ang nararamdaman mo, nawala lahat yun nong naka dapa siya sa dibdib ko.

Read also

Melai Cantiveros, trending sa Twitter dahil sa kanyang nakakaaliw na IG stories

Humingi siya ng sorry sa anak dahil matagal silang hindi nagkita. Pakiramdam umano niya ay napakatagal niyang hindi nakita ang kanyang anak.

I'm sorry anak matagal tayo hindi nagkita. Nagpapagaling lang si daddy sa hospital. Feeling ko napakatagal na panahon na hindi kita nakita anak. Sobrang miss na miss kita anak ko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Dumbo o Ervin Plaza sa totoong buhay ay nakilala bilang isa sa mga audience coordinators at production staff member ng It’s Showtime. Kinakaaliwan ang kanyang pakikipagbiruan sa mga hosts ng noontime show at kadalasang nakakabiruan niya sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Vice Ganda.

Kabilang sa kinaaliwan na episode ng It's Showtime ay nang sawayin ni Dumbo si Vice Ganda sa Tawag ng Tanghalan segment ng noontime show. Habang kinakausap nito ang isang kalahok ay nag-request si Vice na kantahin nito ang isang awitin. Agad siyang sinabihan ni Dumbo dahil kakantahin pala ng isa sa mga kasunod na kalahok ang awiting gustong ipakanta ni Vice. Tila ikinagulat naman ng TV host ang pagsabi sa kanya.

Matatandaang napabalita kamakailan na naaksidente sa kanyang minamanehong motorsiklo si Dumbo. Isinapubliko ito gamit ang official Instagram account ni Dumbo kalakip ng picture niya na nagpapakita ng kalagayan nito sa ospital. Maging ang kanyang partner ay humiling ng tulong pinansiyal at panalangin para kay Dumbo na kinailangang sumailalim sa operasyon dahil sa aksidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate