Buboy Villar, nagbahagi ng mensahe: "Piliin maging better kaysa bitter"

Buboy Villar, nagbahagi ng mensahe: "Piliin maging better kaysa bitter"

- Nagbahagi si Buboy Villar ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang Threads account na kanyang binahagi rin sa kanyang Instagram story

- Ito ay patungkol sa pagpiling maging positibo sa buhay kesa maging bitter

- Matatandaang naging tampulan ng pambabatikos si Buboy kasunod ng mga kontrobersiyang kinasangkutan sa kanyang pagiging host sa Eat Bulaga sa GMA-7

- Gayunpaman, nanatiling sumusuporta ang mga fans niya sa gitna ng mga isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Buboy Villar ng isang mensahe bilang paalala kaugnay sa pagiging positibo sa buhay. Aniya, "Piliin maging better kaysa bitter".

Buboy Villar, nagbahagi ng mensahe: "Piliin maging better kaysa bitter"
Buboy Villar, nagbahagi ng mensahe: "Piliin maging better kaysa bitter" (@buboyvillar)
Source: Instagram

Binahagi ito ni Buboy sa kanyang Thread account na na-post niya din sa kanyang Instagram story. Sumang-ayon naman ang kanyang mga followers sa Thread sa kanyang mensahe.

Kabilang si Buboy sa kasalukuyang hosts ng Eat Bulaga sa GMA-7. Kaya naman naging tampulan din siya ng komento at pambabatikos lalo na mula sa supporters ng TVJ at mga naunang hosts ng naturang noon time show na kasalukuyan nang nasa TV5 sa kanilang show na E.A.T.

Read also

Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "Sobrang conscious na ni Vice Ganda"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kasalukuyan ay si Buboy ang kasama ni Yorme Isko Moreno sa kanilang segment ng G sa Gedli kung saan naglilibot sila sa iba't-ibang lugar upang mamahagi ng pera.

Buboy Villar, nagbahagi ng mensahe: "Piliin maging better kaysa bitter"
Buboy Villar, nagbahagi ng mensahe: "Piliin maging better kaysa bitter" (@buboyvillar)
Source: Instagram

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Read also

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel