Alex Gonzaga biniro si Mikee Morada: "Buti wala pa tayo divorce sa Pilipinas"
- Nag-upload si Alex Gonzaga ng bagong video kung saan kasama niya si Herlene Nicole Budol
- Ginaya niya ang pananamit ni Toni Fowler habang nagsayaw silang dalawa ni Herlene sa tugtog ng kanta ni Toni na MNM
- Marami ang natawa at naaliw kay Alex na nagsuot pa ng silicone vest para magmukhang malaki ang kanyang katawan
- Ang kanyang asawang si Mikee Morada ay napakomento na lamang ng emoji sa post niyang ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maging si Mikee Morada ay nawindang sa post ni Alex Gonzaga kung saan nagsayaw siya sa saliw ng kanta ni Toni Fowler na MNM. Pabirong sinagot ni Alex ang asawa na buti na lang at wala pang divorce sa Pilipinas.
Bukod kay Mikee marami rin ang natawa sa video na binahagi ni Alex kung saan kasama niya si Herlene Nicole Budol na nagsayaw.
Narito ang ilang komento ng netizens:
Naiimagine ko reaction si Konsi Mikee sa pinag gagagawa m
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Lagot ka na namn kay mommy pinty, kay ate mo at kay mikee
Alex is fine di malaswa nakakatawa lang.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.
Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.
Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh