John Estrada, nag-post ng video kasama ang mga anak at si Priscilla Meirelles

John Estrada, nag-post ng video kasama ang mga anak at si Priscilla Meirelles

- Nagbahagi si John Estrada ng video sa kanyang Instagram stories na kuha sa kanilang bakasyon

- Kasama niya ang kanyang mga anak at maging ang asawang si Priscilla Meirelles sa kanyang binahaging video

- Makikitang kumakaway at ngumingiti sa camera maging ang maybahay niya habang nakasakay sa bangka

- Ilang araw ding naging usap-usapan ang mga pasaring ni Priscilla kaugnay sa babaeng aniya'y nag-eentertain ng isang lalaking may asawa na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang binahagi ni John Estrada ang kanilang video kasama ang kanyang mga anak at ang kanyang asawang si Priscilla Meirelles. Makikita sa binahaging video ni John na magkakasama silang nakasakay sa bangka.

John Estrada, nag-post ng video kasama ang mga anak at si Priscilla Meirelles
John Estrada, nag-post ng video kasama ang mga anak at si Priscilla Meirelles (@primeirelles)
Source: Instagram

Nauna na ring naibalita na kasalukuyang nasa Cebu sina John kasama ang mga anak at si Priscilla. Ilang araw ding naging usap-usapan ang mga pasaring ni Priscilla kaugnay sa babaeng aniya'y nag-eentertain ng isang lalaking may asawa na.

Read also

Priscilla Meirelles, inalmahan ang netizen na tinawag siyang 2nd wife

Bukod sa anak nila ni Priscilla kasama din nila sa naturang bakasyon ang mga anak ni John sa dating asawang si Janice de Belen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa naunang lumabas na umano ay conversation ni Priscilla at babaeng nauugnay kay John ay nagsabi ito na pupunta sila sa Cebu para magkaharap at magkausap sila.

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Read also

Lumang panayam kay John Estrada, muling nag-viral sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate