Lumang panayam kay John Estrada, muling nag-viral sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito
- Muling lumutang ang video ni John Estrada na kuha sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noong taong 2015
- Sa naturang panayam ay naitanong sa kanya ang mga fast talk questions sa Tonight With Boy Abunda
- Naitanong sa kanya kung ano ang lesson na natutunan niyang love lesson kay Janice de Belen
- Sagot ni John, ito ay ang maging honest at "my love" naman ang kanyang paglalarawan sa asawaqng si Priscilla Meirelles
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Lumutang muli ang lumang panayam kay John Estrada sa programang Tonight With Boy Abunda na kuha noong 2015. Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito ay muling umani ng reaksiyon ang lumang video.
Kabilang sa naitanong sa kanya sa fast talk questions ay kung ano umano ang love lesson na natutunan niya sa kanyang dating asawang si Janice de Belen, Nangiti ito habang sumasagot ngunit aniya ito ay maging matapat.
"My love" naman ang kanyang paglalarawan sa asawaqng si Priscilla Meirelles. Hindi din daw siya papayag pag niyaya siya ni Priscilla na lumipat at manirahan sa Brazil.
Ang naibahagi niya naman niyang natsismis siya noon na isa siyang gay ngunit aniya ay walang katotohanan iyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang naging mainit na usapin ang nilabas na patutsada ng kanyang asawa kaugnay sa isang babaeng nag-eentertain sa lalaking may asawa.
Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.
Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.
Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh