Inah Estrada, nagpahayag ng suporta sa stepmom na si Priscilla Meirelles
- Kabilang si Inah de Belen Estrada sa mga nagbahagi ng kanilang mensahe ng pagsuporta kay Priscilla Meirelles
- Ito ay sa gitna ng isyu na lumabas tungkol sa pinagdadaanan ng beauty queen sa kanyang marriage
- Matapos nga maglabas ng nakakaintrigang post si Priscilla ay agad na bumuhos ang mensahe ng pagsuporta at pagmamahal sa kanya
- Si Inah ay stepdaughter ni Priscilla at anak ni John Estrada sa dating asawang si Janice de Belen
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maging si Inah de Belen Estrada ay naghayag ng kanyang mensahe ng suporta at pagmamahal sa kanyang stepmother na si Priscilla Meirelles. Matapos nga ang mga nakakaintrigang post ni Priscilla noong nakaraang linggo ay bumuhos ang mensahe ng suporta sa kanya hindi lang mula sa kanyang fans kundi maging mula sa mga showbiz personalites.
Naamin ni Priscilla ang tungkol sa marital problem nila ni John Estrada kasunod ng kanyang mga nakakaintrigang post kamakailan. Sunod-sunod ang mga pasaring at makahulugang post ni Priscilla ngunit wala itong binabanggit na pangalan. Kasabay nito ay kumalat din ang sinasabing screenshots ng pag-uusap ni Priscilla at ng isang babae. Sa kanilang pag-uusap ay makikitang kinausap nang maayos ni Priscilla ang babae.
Walang humpay naman ang mensahe ng suporta mula sa publiko para kay Priscilla sa gitna ng pinagdadaanan nito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.
Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.
Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.
Source: KAMI.com.gh