Ara Mina, kinumpirma kay Ogie Diaz na hindi ang mister ang pinatutungkulan ng cryptic post

Ara Mina, kinumpirma kay Ogie Diaz na hindi ang mister ang pinatutungkulan ng cryptic post

- Kinumpirma ni Ara Mina kay Ogie Diaz na hindi ang mister ang pinatutungkulan sa cryptic post nito kamakailan

- Marami kasi ang nagduda na maaring magy pinagdadaanan umano si Ara at mister nitong si Dave Almarinez

- Lalo na at halos kasabayan lamang ito ng mga cryptic post din ni Priscilla Meirelles na patungkol di umano sa mister na si John Estrada

- Nakausap mismo ni Ogie D si Ara tungkol sa post na tungkol umano sa isang kaibigan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Taliwas sa inaakala ng marami, hindi ang mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez ang pinatutungkulan nito sa kanyang cryptic post kamakailan.

Ara Mina, kinumpirma kay Ogie Diaz na hindi ang mister ang pinatutungkulan ng cryptic post
Ara Mina at Dave Almarinez (@therealaramina)
Source: Original

Nalaman ng KAMI na nakausap mismo ni Ogie Diaz si Ara Mina at inusisa ang kontorbersyal na post.

Read also

Cristy sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie: "Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa"

"Lord, please... guide me," "I'm somewhere between giving up and seeing how much more I can take," ang ilan sa mga nai-post ni Ara.

Nag-alala ang marami lalo na at halos kasabayan umano nito ang mga cryptic post at kalauna'y naging rebelasyon ni Priscilla Meirelles tungkol sa mister na si John Estrada.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, hindi ang asawa kundi isang kaibigan ag kanya umanong tinutukoy.

"Ang sabi ni Ara Mina, hindi ang asawa niya kundi isang friend na hindi naman daw showbiz. Very much on at very sila pa rin ni Dave. So 'yun ang totoo," pagbabahagi ni Ogie Diaz ayon mismo kay Ara.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ara Mina ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez.

Read also

Ogie, may nakausap sa GMA: "Feeling niya gustong bigyan ng bagong bihis ang Eat Bulaga"

Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naturang episode din ng Showbiz Update, nabanggit ni Ogie Diaz ang tungkol umano sa pagbitiw ni Willie Revillame sa ALL TV. Dahil dito, matunog ang usapang baka maisipan umano nitong bumalik dito a sariling

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica