Jake Ejercito at Ellie, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa Japan

Jake Ejercito at Ellie, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa Japan

- Kinaaliwan sina Jake Ejercito at Ellie sa binahaging video ni Jake sa kanyang TikTtok kung saan makikita ang mag-ama na naglalakad

- Base sa video, ilan sa kasamahan nina Jake ang nasa likod na kumukuha ng video

- Habang naglalakad ay biglang sumakay si Jake sa likod ni Ellie at nagpabuhat sa anak na hindi naman kinaya ni Ellie

- Tawang-tawa ito matapos siyang hilahin din ni Ellie dahil sa ginawa niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napagkatuwaan ni Jake Ejercito ang anak na si Ellie Ejercito habang nasa bakasyon sila sa Japan. Sa TikTok video na binahagi ni Jake ay makikita ang biglang pagsakay ni Jake sa likod ni Ellie at nagpabuhat sa anak.

Jake Ejercito at Ellie, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa Japan
Jake Ejercito at Ellie, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa Japan (@unoemilio)
Source: Instagram

Hindi naman kinaya ni Ellie ang bigat ni Jake kaya halos napaupo ito. Agad naman din siyang nakatayo at bumawi sa ama sa pamamagitan ng paghila at pagtulak kay Jake. Nagtatawanan naman ang kanilang mga kasamahan na kumukuha ng video.

Read also

Ivana Alawi, natulala at napaluha sa Extreme Spicy Challenge ni Hash Alawi

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Read also

Andi Eigenmann, binahagi ang sinabi ng anak na si Lilo: "Mom, I wanna be a champion like papa"

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel