Cristy, gandang-ganda kay Baby Rosie: "Ganda ng kombinasyon ni Jessy at ni Luis no?"

Cristy, gandang-ganda kay Baby Rosie: "Ganda ng kombinasyon ni Jessy at ni Luis no?"

- Puring-puri ni Cristy Fermin ang ganda ng baby nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na si Rosie

- Aniya, maganda raw umano ang kombinasyon ng mga magulang nito kaya't 'di kataka-takang isang magandang bata si Rosie

- Kaya naman maging ang lola nito na si Vilma Santos ay talaga namang giliw na giliw sa apo

- Ayon pa kay Cristy, madalas na ka-Facetime nina Jessy at Luis ang kanilang Mommy V upang makita nito ang pinakamamahal niyang apo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Cristy Fermin ang ganda ng anak nina Jessy Mendiola at ni Luis Manzana na si Isabella Rose o "Rosie".

Cristy, gandang-ganda kay Baby Rosie: "Ganda ng kombinasyon ni Jessy at ni Luis no?"
Jessy Mendiola and Baby Rosie (@jessymendiola)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa napag-usapan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode nila ng Showbiz Now Na!

Read also

Sarah G, todo puri ni Cristy Fermin: "'Di ba naman, napakasarap niyang tularan"

Mula nang ibahagi nina Jessy at Luis ang larawan ng kanilang baby, talagang umaani na ito ng papuri sa mga netizens.

"Napakagandang bata. Ang ganda ng kombinasyon ni Jessy at ni Luis no?" ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman hindi kataka-takang maging ang lola nito na si Vilma Santos ay giliw na giliw sa kanilang baby "Rosie."

Naikwento ni Cristy na madalas umanong makipag-Facetime ang Star for All Seasons sa mga anak para lang masilayan ang kanyang napakagandang apo.

At dala ng pagiging likas na marespeto ni 'Ate Vi', nagpapaalam ito kina Jessy at Luis kung maaring madalaw ang apo ayon kay Cristy Fermin.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel at Wendell tungkol kay Baby Rosie mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Read also

Cristy, dinipensahan si Barbie Forteza: "Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now Na! masayang ibinalita ni Cristy na isang sikat na mahusay na Indian doctor ang umano'y nakatuklas ng sakit ni Kris Aquino. Kaya naman sa ngayon, patuloy pa rin ang gamutan nito at tuluyang pagpapagaling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel