Nadine Lustre, ibinida ang kanyang everyday make up routine sa bagong vlog

Nadine Lustre, ibinida ang kanyang everyday make up routine sa bagong vlog

- Ibinahagi ni Nadine Lustre ang kanyang everyday make up routine sa kanyang bagong vlog episode

- Pinakita niya kung paano niya ginagawa ang kanyang sariling make-up gamit ang mga produktong gusto niya

- Habang ginagawa ang kanyang makeup ay isa-isa ding pinapaliwanag ni Nadine ang kanyang ginagawa

- Marami naman ang natuwa lalo na mula sa kanyang mga fans na naipapakita ni Nadine sa kanyang vlog ang ilang bahagi ng kanyang personal na buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Nadine Lustre sa kanyang mga fans ang kanyang husay sa paglagay ng sarili niyang make-up. Ito umano ang kanyang everyday make up routine.

Nadine Lustre, ibinida ang kanyang everyday make up routine sa bagong vlog
Nadine Lustre, ibinida ang kanyang everyday make up routine sa bagong vlog (@nadine)
Source: Instagram

Habang ginagawa ang kanyang makeup ay isa-isa ding pinapaliwanag ni Nadine ang kanyang ginagawa. Pinakita niya kung paano niya inaalagaan ang balat bago pa maglagay ng makeup.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Naibahagi niya din na habang lumalaki siya ay nahirapan siyang maghanap ng produkto na bagay sa kanyang balat dahil dry umano ang kanyang balat. Kaya naman nasaya siyang nakahanap siya ng produkto na hiyang sa kanya at all natural.

Marami naman ang natuwa lalo na mula sa kanyang mga fans na naipapakita ni Nadine sa kanyang vlog ang ilang bahagi ng kanyang personal na buhay:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nadine is so beautiful in and out. She has one of the most beautiful faces and kindest heart.
Di ako makapaniwalaaaaa you're into vlogging na
I'm loving the Nadine Lustre vlogger era. More content miss ma'am please indulge us with your beauty more.

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Read also

Miles Ocampo, nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap

Para kay Nadine Lustre, nakakalokang tsismis daw tungkol sa kanya ay palagi na lang siyang buntis. Aniya, nagtataka siya na taon-taon na lang siyang nababalitang buntis gayong hindi naman daw iyon totoo. Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya. Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka.

Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel