Rufa Mae Quinto, nawalan ng apat na milyong piso sa negosyo
- Naibahagi ni Rufa Mae Quinto na apat na milyong piso ang pinakamalaking nawala sa kanya nang mag-invest sa negosyo
- Aniya, kahit noon pa man ay sanay siyang gumawa ng paraan para kumita kagaya ng normal na mga Pinoy
- Gayunpaman, dahil nga sa pagtatrabaho niya ay hindi niya matutukan ang negosyo
- Payo naman niya sa mga nagnenegosyo kung hindi hands-on sa negosyo ay huwag umasa na may babalik na pera
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Rufa Mae Quinto na apat na milyon ang pinakamalaking pera na nawala sa kanya nang mag-invest siya sa negosyo na hindi nabalik sa kanya. Gayunpaman, aniya ay ganoon talaga sa negosyo, may posibilidad na malugi.

Source: Instagram
Ani Rufa, mas sanay siyang magtrabaho at maghanap ng paraan para kumita kesa maging sikat. Payo naman niya sa mga nagnenegosyo kung hindi hands-on sa negosyo ay huwag umasa na may babalik na pera. Aniya, dahil nagtatrabaho siya ay huwag na lang daw muna siya magnegosyo.

Read also
Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan. Sa nag-viral na video, makikita ang bahagi ng pagkanta ni Rufa Mae ng awiting Firework ni Katy Perry.
Source: KAMI.com.gh