Ivana Alawi, todo puri ang GF ng kapatid niyang si Hash: "Sobrang bait talaga nito ni Alexis"

Ivana Alawi, todo puri ang GF ng kapatid niyang si Hash: "Sobrang bait talaga nito ni Alexis"

- Todo puri ni Ivana Alawi ang girlfriend ng kapatid niyang si Hash Alawi

- Aniya sobrang bait at sobrang simple nito kaya naman love na love ito ng kanyang pamilya

- Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Hash sa girlfriend

- Kahit pa third wheel si Ivana sa date nina Alexis at Hash, sobrang enjoy pa rin umano nito sa kanilang naging bonding nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Abot-abot ang papuri ni Ivana Alawi kay Alexis, ang girlfriend ng kapatid niyang si Hash.

Ivana Alawi, todo puri ang girlfriend ng kapatid niyang si Hash: "Sobrang bait talaga nito ni Alexis"
Ivana Alawi, Alexis at Hash Alawi
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa bagong vlog ni Ivana, nag-third wheel ito sa date nina Alexis at Hash.

Nang sunduin pa lang nila si Alexis, may pa-flowers din ito kay Ivana at ilang gifts na labis na ikinatuwa ng aktres.

Read also

Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"

Sa simula pa lang ng kanilang bonding, inulan na si Alexis ng papuri mula kay Ivana.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ito talaga sobrang bait talaga ni Alexis. Gusto ko talaga siyang isama sa vlog ko para mas makilala niyo. Sobrang simple niya," ani Ivana.

"Kami love na namin siya, 'nung family namin," ani Ivana na kitang-kita nga kung gaano na kahalaga si Alexis sa Alawi family.

Matapos nilang kumain, nag-shopping pa sila ng mga damit kung saan ilan pa sa mga ito ay twinning pa.

Natutuwa rin umano si Ivana kung gaano ka-supportive si Alexis kay Hash kaya hindi kataka-takang tumatagal ang kanilang relasyon na ngayo'y siyam na buwan na.

Narito ang kabuuan ng vlog ni Ivana.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel