Toni Fowler, pinasilip ang kanyang nabiling artista van

Toni Fowler, pinasilip ang kanyang nabiling artista van

- Pinakita ni Toni Fowler sa kanyang mga kasamahan sa ToRo family ang naipundar niyang bagong sasakyan na kanyang tinawag na artista van

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang pagiging bahagi ng seryeng FPJ's Batang Quiapo, naiintindihan niya umano kung bakit mahalaga ang may artista van

- Pinakita niya sa kanyang vlog ang reaksiyon ng kanyang mga kasamahan nang makita ang kanilang bagong sasakyan

- Binigay naman niya ang isa pa niyang naunang sasakyan sa isa din nilang kasama na si Papi Galang

Masayang binahagi ni Toni Fowler ang video kung saan una nilang nakita ang artista van na kanyang nabili. Sa kanyang pagiging bahagi ng seryeng FPJ's Batang Quiapo, naiintindihan niya umano kung bakit mahalaga ang may artista van.

Toni Fowler, pinasilip ang kanyang nabiling artista va
Toni Fowler, pinasilip ang kanyang nabiling artista van (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Cristy, may mensahe sa ama ni Liza Soberano: "Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral?"

Pinakita niya sa kanyang mga kasama sa ToRO fam ang kanilang bagong sasakyan at lahat sila ay hindi maitago ang saya sa bagong blessing na dumating. Maging ang anak ni Toni na si Tyronia Fowler ay hindi maitago ang tuwa at excitement.

Si Toni Fowler ay social media influencer at vlogger na nakilala bilang lider ng ToRo family. Kasama niya dito ang kanyang kapamilya at kaibigan at magkakasamang gumagawa ng mga content. Bukod sa vlogging ay mayroon ding naipundar na negosyo si Toni. Kamakailan nga ay naging bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Madam Inutz, ibinida ang picture nila ni Idol Raffy kalakip ng paniningil: "Till tomorrow lang po"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel