Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, magkakasama nang nasa Net 25
- Nasa Net25 na rin si dating Senate President Tito Sotto kung saan may kanya-kanyang programa na rin sina Vic Sotto at Joey de Leon
- Kumpleto na ang iconic trio sa naturang TV network sa gitna ng napapabalitang 'Eat Bulaga' rebranding
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa unang episode ng programa ni Tito Sen na Reality Check, binalikan ng iconic trio ang pagsisimula nila sa 'Eat Bulaga'
- Kasunod ng balita tungkol sa rebranding ay lumabas ang balita na hindi na si Tony Tuviera ang chairman ng TAPE, Inc.
Nasa Net 25 na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Mayroon nang bagong show si Tito Sen na pinamagatang Reality Check na isang news and current affairs program.
Sa unang episode ng show ni Tito Sen ay guest niya sina Vic at Joey kung saan binalikan nila ang naging kasaysayan ng tinaguriang longest running noontime variety show sa bansa na nagdiwang ng ika-43 na taon noong July 30, 2022.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bago pa man magkaroon ng show si Tito Sen ay mayroon nang mga show sina Vic at Joey. Ang "Oh No It's BO (Biro Only) ni Joey na napapanood tuwing Sabado ay nasa ikalimang season na. Samantalang ang Love, Bosleng & Tali naman ni Vic kasama ang kanyang mag-ina ay napapanood tuwing Linggo.
Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Sa kasalukuyan kabilang sa mga host ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.
Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa ngayon ay pinag-uusapan pa rin sila.
Kamakailan ay kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga nitong Sabado. Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito. Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey. Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh