Liza Soberano sa kanyang social media post: "I didn't delete them, don't worry"
- Nilinaw ni Liza Soberano na hindi pa rin niya umano binubura ang mga dating post
- Inakala ng marami na burado na ito gayung bago na lahat ang makikitang post ni Liza partikular sa kanyang Instagram
- Aniya, bahagi pa rin ito ng rebranding niya sa kanyang imahe sa showbiz
- Aasahan daw talaga ng publiko lalo na ng kanyang fans na ibang Liza ang kanilang makikita
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo, isa sa nilinaw ni Liza Soberano ay ang mga burado niyang post sa kanyang social media.
Nalaman ng KAMI na minsan nang gumawa ng ingay ang pagtatanggal umano ni Liza ng mga lumang post niya sa Instagram maging sa kanyang YouTube.
May ilan pa umanong nagsabing na-hack ang account ni Liza bagay na agad naman niyang pinabulaanan.
"I thought that I wanted a fresh start to everything so I archived all my post. I didn't delete it don't worry. and I'll bring them back eventually when I'm ready," ani Liza na tiyak na makapagbibigay pag-asa sa kanyang mga fans na nais pa ring makita ang mga alaala ng kanilang idolo mula nang magsimula ito sa kanyang showbiz career sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"And even my YouTube, I unlisted everything. I think it's time that people see me in a different light," giit pa ni Liza.
Isa rin sa nilinaw niya ay ang kanyang showbiz career sa bansa na hindi pa rin naman daw niya iiwan.
Katunayan, ang panayam na ito ni Bea sa kanya na ginanap noong February 23 ay patunay na bumabalik pa rin siya sa bansa.
Gayunpaman, ang focus pa rin umano niya sa ngayon ay ang kanyang tinatrabahong Hollywood career.
Narito ang kabuuan ng makabuluhang pagbisita niya sa YouTube channel ni Bea Alonzo:
Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.
Samantala, sa naturang interview ni Bea kay Liza, isa sa mga naibunyag nito ay ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil. Muntik na rin umanong makatambal ni Enrique si Kathryn sa nasabing pelikula hanggang sa napunta na nga ito kay Alden Richards.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh