Liza Soberano, aminadong na-pressure noon sa KathNiel, JaDine at LizQuen
- Aminado si Liza Soberano na na-pressure siya noon sa pagkukumpara umano sa kani-kanilang mga love team
- Madalas na maikumpara sa kanila ni Enrique Gil bilang LizQuen ang kasabayan nila halos na JaDine at KathNiel
- Hindi niya ito nagustuhan dahil ang nagiging basehan umano ay ang mga 'hits' kung saan pasok na umano ang pera
- Naikwento rin ni Liza ang tungkol sa pelikulang 'Hello, Love, Goodbye' na una pala umanong inalok sa kanila ni Enrique
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa napag-usapan nina Liza Soberano sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo ang tungkol sa mga love team.
Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy nila ay ang LizQuen nina Liza at Enrique Gil, JaDine nina James Reid at Nadine Lustre at KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Isa umano ito sa natanong ni Bea kung saan inamin naman ni Liza na na-pressure umano siya sa pagkukumparang ito sa kani-kanilang mga love team.
Aniya, hindi ang media ang dapat na sisihin sa pagkukumparang nagaganap sa kanila.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Honestly it's not because of the media it was more of like... It became a competition of who could make more hits especially with movies. I don't see it as a healthy competion when money is involved," diretsahang nasabi ni Liza.
Nakwento rin ni Liza ang tungkol sa pelikulang 'Hello, Love Goodbye' na sa kanila ni Enrique unang inalok.
Dahil sa nauna nilang proyekto, tila hindi na sila nahintay ng produksyon hanggang sa nabalitaan na lang umano niyang kay Kathryn Bernardo na ito.
Bago rin maging si Alden Richards ang muntik na rin itambal si Enrique Gil kay Kathryn sa nasabing pelikula.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Liza mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:
Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.
Kaugnay nito, minsan na ring nabanggit ng dati niyang manager na si Ogie Diaz ang labis na panghihinayang sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh