Alessandra de Rossi, pinakilala ang aniya'y "anak" na binigay ni Piolo Pascual sa kanya

Alessandra de Rossi, pinakilala ang aniya'y "anak" na binigay ni Piolo Pascual sa kanya

- Binahagi ni Alessandra de Rossi ang picture niya kasama ang isang ibon na aniya ay bigay sa kanya ni Piolo Pascual

- Pinangalanan niya itong "Puppy" at nagpasalamat siya kay Piolo dahil binigyan daw siya nito ng anak

- Pabiro naman siyang binati ni Piolo dahil nagsilang umano siya ng ibon

- Matatandaang may nauna na rin siyang alagang ibon na pinangalan naman niyang "Kitten"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Alessandra de Rossi ang ibon na aniya ay binigay ni Piolo Pascual sa kanya. Pinangalanan niya itong "Puppy" at nagpasalamat siya kay Piolo dahil binigyan daw siya nito ng anak.

Alessandra de Rossi, pinakilala ang aniya'y "anak" na binigay ni Piolo Pascual sa kanya
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images
Meet PUPPY! A gift from papapi @piolo_pascual mahal kita. Salamat at nabigyan mo ako ng anak sa wakas! Hashtag ang ganda ganda ko!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

Pabiro naman siyang sinagot ni Piolo sa comment section. Binati siya nito dahil nanganak daw siya ng ibon.

Masaya ako’t nagsilang ka ng ibon @msderossi

Matatandaang may nauna na rin siyang alagang ibon na pinangalan naman niyang "Kitten".

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Sa vlog ni Moi Bien kung saan binahagi niya ang house tour ni Piolo sa kanyang rest house, kinaaliwan ang pagiging malapit ni Moi sa aktor. Binahagi ni Piolo kung gaano siya ka hands-on pagdating sa mga gawain sa kanyang rest house. Sa katunayan, siya mismo ang nagtatanim ng mga halaman sa paligid ng rest house. Sa isang bahagi ng vlog ay biniro pa ni Moi si Piolo sa paa nito dahil nangitim na umano ito.

Read also

Miss Glenda, pumalag sa aniya'y story maker na naninira sa kanya

Sa kanyang Instagram post, muling pinakita ni Moi ang pictures nila ni Piolo. Aniya, may mga maiinggit na naman sa kanya dahil sa kanyang mga pinost na pictures kasama si Papa P. Nagbiro pa ito na malapit na umabot sa 50 anyos ang aktor at sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Piolo kamakailan nagbiro itong baka sila talaga ang nakatadhana kung single pa ito sa edad na 50. Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagiging malapit ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel