RR Enriquez kina Ruru at Bianca: "Masaya ako para sa inyo mga iho at iha"

RR Enriquez kina Ruru at Bianca: "Masaya ako para sa inyo mga iho at iha"

- Nagbigay pahayag si RR Enriquez kaugnay sa super sweet na birthday post ni Ruru Madrid sa girlfriend na si Bianca Umali

- Matatandaang hindi agad na maamin ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon nila noon

- Ani RR, kung hindi pa raw siya nakisawsaw sa isyu, hindi pa raw aamin ang dalawa na ngayo'y lantad na lantad na ang pagmamahalan

- Gayunpaman, sinabi ni RR na masaya na siya para kina Ruru at Bianca na going strong ang relasyon ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si "Sawsawera Queen" RR Enriquez sa birthday greeting ni Ruru Madrid para sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

RR Enriquez kina Ruru at Bianca: "Masaya ako para sa inyo mga iho at iha"
RR Enriquez
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na super sweet ang naging pagbati ni Ruru para sa kaarawan ni Bianca kamakailan kung saan makikita rin ang kanilang mga larawan na resibo ng masasayang oras na sila ay magkasama.

Read also

Miss Glenda, pumalag sa aniya'y story maker na naninira sa kanya

Dahil dito, hindi napigilang masabi ni RR na kung hindi dahil sa kanya, hindi siguro ganito kalantad ang dalawa sa kanilang kahanga-hangang pagmamahalan.

"Aminin natin. Kung hindi sa pagiging Sawsawera ko last year. Hindi nya ipapangalandakan sa mundo na jowa nya ang napakagandang si Bianca Umali"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani RR, ito ang nais niya noon kaya nagawa niyang sawsawan ang umano'y wala pang label na relasyon nina Ruru at Bianca.

Matatandaang maging ang ama ng kapuso actor ay tila nagsalita na rin ukol sa isyu na kalauna'y inamin naman ni Ruru na kasintahan na niya si Bianca.

"Mananahimik na ako as Sawsawera Queen! Masaya ako para sa inyo mga iho at iha" ani RR.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Read also

Cristy Fermin, todo puri si Kathryn Bernardo: "Ang dami-daming magandang katangian"

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel