Cristy Fermin, todo puri si Kathryn Bernardo: "Ang dami-daming magandang katangian"

Cristy Fermin, todo puri si Kathryn Bernardo: "Ang dami-daming magandang katangian"

- Todo puri ni Cristy Fermin si Kathryn Bernardo na marami umanong magagandang katangian

- Isa na rin dito ang tagumpay na naabot nito sa showbiz na kahit iba ang ipinareha ay kumita pa rin ang pelikula

- Gayundin ang pagmamahal ni Kathryn sa kanyang pamilya na tunay umanong kahanga-hanga

- Ikinumpara rin si Kathryn na umano'y napag-iwanan na si Liza Soberano pagdating sa itinakbo ng career sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo puri ni Cristy Fermin si Kathryn Bernardo. Aniya, maraming bagay na talaga namang kapuri-puri sa Kapamilya actress.

Cristy Fermin, todo puri si Kathryn Bernardo: "Ang dami-daming magandang katangian"
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Sa isang episode ng kanyang Showbiz Now Na! nabanggit ni Cristy ang mga bagay na talaga namang nakakabilib kay Kathryn.

"Si Kathryn pa naman ang dami-daming magandangkatangian na pwede mong mai-kolabro sa kanya"
"Mabait na anak, kapatid, mapagmahal. Mrunong tumanaw ng utang na loob sa mga produksyon na namuhunan sa kanya at nagmahal sa kanya."

Read also

Liza Soberano, aminadong na-pressure noon sa KathNiel, JaDine at LizQuen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa rin sa masasabing resibo ng tagumpay ni Kathryn ay ang pelikula nitong 'Hello, Love Goodbye' kasama si Alden richards. Ani Cristy, kahit iba umano ang kapareha nito at hindi ang ka-love team at real life boyfriend na si Daniel Padilla, ay kumita pa rin sa takilya ang nasabing pelikula.

"Kaya wag sasabihin na si Kathryn ay kalaban ni Liza Soberano, napakalayo. Ang layo-layo," dagdag pa ni Cristy na sinabing napag-iwanan na umano nina Kathryn pati na rin ni Nadine Lustre ang kontrobersyal na aktres ngayon na si Liza "Hope" Soberano.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Read also

Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y napapabalitang rebranding ng Eat Bulaga

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel