Toni Fowler, inakalang matatanggal siya sa Batang Quiapo nang ilabas niya ang MPL
- Sinagot ni Toni Fowler ang tanong tungkol sa kanyang pagiging bahagi ng seryeng Batang Quiapo
- May nagtanong sa kanya kung bakit hindi naman na nasundan ang unang eksena niya at kung natanggal na daw ba siya sa serye
- Ani Toni, sa totoo lang ay inakala niyang matatanggal siya matapos niya ilabas ang music video niyang MPL
- Gayunpaman, paliwanag niya ay hindi naman siya natanggal dahil hindi naman sa TV niya iyon ibinahagi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Toni Fowler na inakala niyang matatanggal siya sa Batang Quiapo matapos niyang ilabas ang kontrobersiyal niyang music video na MPL. Nilinaw niyang hindi siya natanggal at malapit nang muling mapanood ang kanyang eksena matapos ang una niyang paglabas sa naturang serye.
Aniya, nakatapos siyang muli ng isang taping day at sinabihan niya ang kanyang mga followers na abangan na lamang ang muling paglabas ng kanyang karakter sa naturang serye.
Bukod umano sa Batang Quiapo, hindi pa rin siya natatanggal bilang host sa Battle of YouTubers matapos ang lumabas na mga intriga kamakailan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.
Source: KAMI.com.gh