Maegan Aguilar, nagpositibo sa drug test: "It was just a situation"

Maegan Aguilar, nagpositibo sa drug test: "It was just a situation"

- Lumabas na ang isinagawang hair follicle test kay Maegan Aguilar sa tulong ng programang 'Raffy Tulfo in Action'

- Nagpositibo ito na ikinadismaya ni Senator Raffy Tulfo gayung nagawa umanong magsinungaling ni Maegan sa kanya

- Gayunpaman, inalok pa rin ni Senator Tulfo si Maegan na magpa-rehab nang sa gayon ay magtuloy-tuloy na ito na makawala sa paggamit ng droga

- At kung matapos daw umano ni Maegan ang progama, maaring ibuhos na ng senador ang ipinangako nitong tulong sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Lumabas na positibo umano sa isinagawang hair follicle test ang anak ni Freddie Aguilar na si Maegan.

Senator Raffy Tulfo habang kapanayam si Maegan Aguilar
Senator Raffy Tulfo habang kapanayam si Maegan Aguilar
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ibinahagi na ng programang Raffy Tulfo in Action ang resulta na ikinagulat maging ni Maegan.

Matatandaang sa pagdulog nito sa programa ni Senator Raffy Tulfo, inamin naman umano nitong noong 15-anyos pa siya nang huling makagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Read also

Parokya ni Edgar, nabisita ang kabandang si Gab: "Sobrang aliwalas niya tingnan"

Subalit nang muli siyang tanungin ng senador bago nito sabihin ang resulta ng test, sinabi ni Maegan na 28-anyos siya noong nakagamit.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman dismayado si Senator Tulfo sa anak ni Freddie Aguilar na nagawang magsinungaling sa kanya.

Ang naturang hair follicle drug test ay kayang makapagpatunay na ang tao ay nakagamit ng droga hanggang 90 na araw bago isagawa ang test.

At dahil hindi na ito maitatanggi pa ni Maegan, inamin nitong nakagamit nga siya dala umano ng pakikisama sa umano'y tumulong sa kanilang mag-asawa.

"It was just a situation," ani Maegan at nilinaw na hindi umano siya adik tulad nang inaakusa sa kanya ng marami.

Gayunpaman, nagbaka-sakali pa rin si Maegan na matulungan pa rin sila ni Senator Raffy sa kabila ng resulta ng drug test.

"Nagsinungaling kayo sa akin once, anong guarantee na hindi kayo magsinungaling for the second time," ayon kay Tulfo.

Read also

Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022

Gayunpaman, inalok pa rin niyang magpa-rehab si Maegan. Sa ganitong paraan, matutulungan niya ito na tuluyan nang talikuran ang droga at baka sakaling ibuhos niya ang naipangako niyang tulong dito sakaling nagnegatibo sana ito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Isang buwan na umano ang nakararaan nang dumulog si Maegan Aguilar sa programa ni Raffy Tulfo.

Sinubukan din ng programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman, sa panayam ni Aster Amoyo kay Ka Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel