Anne Curtis, kinaaliwan sa kanyang "bulol moments" sa It's Showtime

Anne Curtis, kinaaliwan sa kanyang "bulol moments" sa It's Showtime

- Kinaaliwan si Anne Curtis sa kanyang nakakatuwang "bulol moments" sa 'It's Showtime' nitong nakaraang Miyerkules

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Maging sa TikTok ay tumabo sa libo-libong views ang mga video clips ng kanyang pagkabulol habang nasa Isip Bata segment ng 'It's Showtime'

- Maging ang mga co-host niya sa naturang show ay tawang-tawa sa kanya na kahit hirap na hirap ay tuloy lang sa kanyang pagsasalita

- Si Anne ang isa sa mga 'It's Showtime' hosts na sumasalang sa bago nilang segment na pumalit sa Girl on Fire

Kinagiliwan si Anne Curtis ng mga netizens dahil sa kabila ng kanyang pagkabulol habang nagho-host ay tuloy lang sa kanyang pagsasalita. Umani ng mga komento ang video ni Anne na ilang beses na nabulol habang nasa Isip Bata segment ng It's Showtime.

Anne Curtis, kinaaliwan sa kanyang "bulol moments" sa It's Showtime
Anne Curtis, kinaaliwan sa kanyang "bulol moments" sa It's Showtime (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang mga co-host niya sa naturang show ay tawang-tawa sa kanya na kahit hirap na hirap ay tuloy lang sa kanyang pagsasalita. Maririnig ang hirit ng isa sa kanyang co-host na ilalagay daw nila iyon sa TikTok. Hindi nga siya nagkamali dahil marami ang nagbahagi ng video clip ni Anne sa TikTok. Hindi naman napigilang matawa ni Jhong habang nakikinig kay Anne.

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel