Freddie Aguilar, sinabing 'di pa nagbago ang anak na si Maegan: "She's still not allowed in my house"

Freddie Aguilar, sinabing 'di pa nagbago ang anak na si Maegan: "She's still not allowed in my house"

- Nagbigay ng update si Freddie Aguilar sa kalagayan ng anak niyang si Maegan

- Aniya, bagama't nag-uusap sila ni Maegan, hindi pa rin umano ito maaring pumunta sa kanilang bahay

- Kahit sinasabi ni Maegan na nagbago na umano siya, masasabi ng kanyang ama na hindi pa talaga

- Matatandaang dumulog si Maegan Sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan upang humingi ng tulong gayung sa labas ng convenience store na lamang sila natutulog ng kanyang partner

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay ni Freddie Aguilar sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo ay tungkol sa kanyang anak na si Maegan.

Freddie Aguilar, sinabing hindi pa okay ang anak na si Maegan: "She's still not allowed in my house"
Freddie Aguilar (TicTalk with Aster Amoyo)
Source: Youtube

Doon nasabi ni Freddie na bagama't nag-uusap naman sila ng kanyang anak, hindi pa rin ito maaring manirahan sa kanyang tahanan.

"We are talking but she's still not allowed in my house.Kasi nasa akin 'yung anak niya si Anaya. Pinag-aaral namin pati 'yung isang apo namin si Sky na nasa bahay din"

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

Ani Freddie, hindi pa umano maaring tumira sa kanya si Maegan hangga't hindi pa ito tuluyang nagbabago.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Si Maegan, hindi siya pwede 'don until malaman ko na talagang nagbago na siya. Kasi sinasabi niya sa'kin 'tay nagbago na po ako. Sabi ko anak hindi mo kailangang sabihin na nagbago ka sa akin. Ako malalaman ko 'yun anak."
"'Pagka alam ko na nagbago ka, ako mismo ang magsasabi sa'yo anak halika nagbago ka na e, pero hindi mo kailangan sabihin. May kasamang action 'yan"

"With what you're doing now, 'di ka pa rin nagbabago," pahayag ni Freddie.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Freddie Aguilar mula sa YouTube channel na TicTalk with Aster Amoyo:

Si Freddie Aguilar na kilala rin sa tawag na 'Ka Freddie' ay isang folk musician, singer-songwriter sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa haligi ng OPM, Original Pilipino Music na nagpasikat ng mga awiting 'Anak" at "Bayan Ko."

Read also

Ogie Diaz, inalala ang umano'y pagkuyog sa kanya noon ng ilang tao sa Quiapo

Kamakailan, naging usap-usapan ang anak ni Freddie na si Maegan Aguilar dahil sa pagdulog umano nito sa programa ni Raffy Tulfo.

Humingi ng tulong si Maegan kay Senator Tulfo dahil sa labas na lamang ng isang convenience store sila namamalagi ng kanyang partner.

Bagama't nagbigay ng paunang tulong ang senador, nais muna nitong siguruhing hindi na gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot si Maegan. Sumang-ayon pa ito na sumailalim sa hair follicle test upang masiguradong iniwan na nito ang paggamit ng droga. Sakaling lumabas itong negatibo, saka lamang ibubuhos pa ni Tulfo ang tulong niya kay Maegan.

Sa ngayon, wala pa ring update kaugnay sa kinalabasan ng test kay Maegan na siyang magiging isa sa mga susi sana ng kanyang pagbabagong buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel