Anne Curtis, emosyonal sa birthday message ni Vice Ganda sa kanya

Anne Curtis, emosyonal sa birthday message ni Vice Ganda sa kanya

- Emosyonal si Anne Curtis sa mensahe sa kanya ni Vice Ganda sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-38 na kaarawan sa 'It's Showtime'

- Sa simula ay biniro muna siya ni Vice Ganda ngunit kinalaunan ay naging seryoso ito sa kanyang mensahe

- Aniya, pinagdadasal niya ang lahat ng mahal sa buhay ni Anne kabilang na ang kanyang mag-ama, ang kapatid, ang ama at ina ni Anne

- Alam daw ni Vice na sa kanila umiikot ang mundo ni Anne kaya alam niyang magiging masaya ito kapag maayos ang kalagayan ng mahal niya sa buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Anne Curtis sa mensahe ng kanyang sisteret na si Vice Ganda para sa pagdiriwang ng kanyang ika-38 na kaarawan. Nabanggit ni Vice Ganda na si Anne ay isa sa pinakaswerteng tao dahil hindi niya kailangan gumawa ng mga bagay para patunayan ang sarili niya dahil mahal agad siya ng mga tao.

Read also

Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo

Anne Curtis, emosyonal sa birthday message ni Vice Ganda sa kanya
Anne Curtis, emosyonal sa birthday message ni Vice Ganda sa kanya (ABS-CBN Entertainment)
Source: Youtube

Biniro pa ni Vice si Anne sa umpisa ng kanyang message. Kinalaunan ay nabanggit niya na sinasama niya sa mga dasal niya ang pamilya ni Anne dahil masaya daw si Anne kapag nasa mabuting kalagayan ang mahal sa buhay ni Anne.

Nagpasalamat naman si Anne sa mensaheng ito ni Vice sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate