Lolit Solis, todo puri ang pamilya Gonzaga: "Pero ang pinaka-type ko, si Mommy Pinty"

Lolit Solis, todo puri ang pamilya Gonzaga: "Pero ang pinaka-type ko, si Mommy Pinty"

- Todo puri ni Lolit Solit ang pamilya Gonzaga lalo na si Mommy Pinty

- Aniya, noon pa ma'y gusto na niya ang ipinakikitang sweetness at pagiging magalang sa kanya ni Toni

- Si Alex, bagama't hindi niya ganoon ka-close ay nagagawa siyang abutan ng tulong pinansyal

- Aminadong nagulat din siya sa kabutihan ni Mommy Pintay sa kanya kaya naman 'grateful umano sa siya sa pamilya Gonzaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo puri ni Lolit Solis sina Mommy Pinty, Toni at Alex Gonzaga. Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang noon pa ma'y natutuwa siya sa mga ito.

Lolit Solis, todo puri ang pamilya Gonzaga: "Pero ang pinaka-type ko... si Mommy Pinty"
Lolit Solis (@akosilolitsolis)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nilarawan pa ni Lolit si Toni bilang sweet at polite umano nito at wala rin daw umanong pa-star aura.

Natuwa rin umano siya kay Alex at sa paraan nito ng pag-correct sa nagawa niyang artikulo.

Read also

Miles Ocampo, naikwentong 'batang Quiapo' ang pinakaunang role niya noong 2004

"Kasi nga sa tutoo lang nuon ko pa talaga type si Toni Gonzaga. Kasi kahit saan kami magkita very sweet at very polite siya, walang pa star na aura."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Si Alex Gonzaga natuwa ako ng i correct niya ang isang item ko, maganda ang ginawa niyang pakikipag usap sa akin sa telepono"

Subalit ang pinakagusto niya umano sa mga Gonzaga ay si Mommy Pinty na bagama't hindi niya ganoon ka-close ay nagpapadala umano ng tulong sa kanya.

"Pero ang pinaka type ko sa mga Gonzaga si Mommy Pinty na kahit saan, kahit kelan, mabait sa akin pag nakikita ko."
"Kahit hindi kami close ni Alex Gonzaga pero nagbibigay ng financial assistance pati na si Mommy Pinty, parang shocking na para sa akin."

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa pamilya Gonzaga at forever grateful daw umano siya sa mga ito.

Read also

Ogie Diaz, sinabing walang ideya si K Brosas bakit wala na ang interview sa kanya ni Toni G

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nag-trending si Alex sa Twitter kamakailan, dahil sa umano'y nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Samantala, si Lolit Solis ay kilala bilang isa sa mga showbiz reporter at talent manager sa Pilipinas.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, updated pa rin ito sa showbiz happenings at malayang nakapagbibigay komento sa pamamagitan ng kanyang social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel