Lian Paz, inakala raw na ang dalawang anak na lang ang forever Valentine date nya
- Ayon kay Lian Paz, 11 years ago ay inakala niyang ang dalawang anak na lang ang kanyang Valentine's date
- Aniya, hindi niya inakalang may madadagdag pang dalawang babae at aniya ay may John pang kasama
- Naibahgai niya din na dati ay sila lang ni John ang binibigyan nila ng letters at chocolate
- Ngayon daw ay may kanya-kanya na silang flowers, balloons, at chocolates na natatanggap
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Lian Paz na inakala niya raw na ang dalawang anak na lang ang kanyang makaka-date tuwing February 14. Aniya, hindi niya inasahang madadagdagan pa sila ng dalawa pang babae at kasama pa si John Cabahug.
Sa kanyang post ay binahagi ni Lian ang screenshot ng kanyang post kung saan tatlo pa lang sila ng mga anak niya ang magkakasama.
Naibahagi niya din na noon daw ay sila lang ng daddy nila ang binibigyan nila ng letters at bulaklak tuwing Valentine's Day. Ngayon daw ay may kanya-kanya na silang natatanggap na flowers, balloons, at chocolates.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Lian Paz na dating EB Babe ang dating asawa ni Paolo Contis. Maaalalang pinag-usapan din noong September 2012 ang hiwalayan ng mag-asawang Paolo at Lian. Sa kasalukuyan, naninirahan sila Lian at ang pamilya nila ni John Cabahug sa Cebu mula nang talikuran nito ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John. Dating basketball player si John at isang businessman sa Cebu.
Matatandaang inalala ng partner ni Lian na si John ang matinding pinagdaanan ng anak nilang si Xalene matapos ang isang taon. Ibinahagi nito ang video kung gaano niya inalalayan si Xalene habang nasa ospital. Ito ay matapos makagat ng aso sa bibig ang anak nila at kinailangang maturukan ng anti rabies. Ibinahagi din ni Lian sa kanyang Instagram story ang post na ito ni John.
Sa isang panayam sa Pika Pika, naibahagi ni John ang tungkol sa kagustuhan niyang maging legal na ama ng mga anak ni Lian sa dati nitong asawang si Paolo Contis. Para sa kanya, kasal na lamang ang kulang sa kanila ni Lian. Aniya, sobrang maayos ang relasyon nilang dalawa. Nag-propose umano siya kay Lian kahit hindi pa natatapos ang annulment ng kasal nina Lian at Paolo at naniniwala siyang dadating din ang panahong kanilang hinintay para makapagpakasal na.
Source: KAMI.com.gh