Vilma Santos, emosyonal nang matanong tungkol sa investment issue ni Luis Manzano

Vilma Santos, emosyonal nang matanong tungkol sa investment issue ni Luis Manzano

- Emosyonal si Vilma Santos nang matanong ni Boy Abunda kaugnay sa kanyang saloobin sa kinakaharap na investment issue ng anak niyang si Luis Manzano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ang Star for All Seasons ang guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA-7

- Ani Ate Vi, kilala niya ang anak niya at alam niyang tumutulong ang anak niya at hindi nanloloko

- Para naman sa mga nanghuhusga raw sa anak niya ay magdahan-dahan sila sa mga sinasabi nila dahil aniya siya ang nakakakilala sa anak niya

Naiyak si Vilma Santos nang tanungin ni Boy Abunda kaugnay sa kanyang saloobin sa hinaharap na investment issue ng anak niyang si Luis Manzano. Sa pag-guest ni Ate Vi sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang tumutulong ang anak niya at hindi nanloloko.

Read also

Vice Ganda, imbes na P3,500 ay P35,000 ang ibinayad sa driver sa Baguio

Vilma Santos, emosyonal nang matanong tungkol sa investment issue ni Luis Manzano
Vilma Santos, emosyonal nang matanong tungkol sa investment issue ni Luis Manzano (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa kay Ate Vi ay sana magdahan-dahan ang mga nanghuhusga sa kanyang anak dahil aniya ay siya ang nakakakilala sa anak niya.

“Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo. Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako.”

Hiling niya umano sa Panginoon ang guidance para sa kanyang mga anak.

"Diyos ko. Oh Lord, oh my God… At this point, it’s just asking for guidance not even for myself but for my children,”

Hiniling niya rin sa mga naninira daw kay Luis na siya na lang at huwag na ang kanyang anak.

"Ako na lang. Huwag ang anak ko, ako na lang."

Si Vilma Santos ay isa sa mga pinagpipitagang at batikang aktres sa Pilipinas. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan bilang public servant. Sa kasalukuyan siya ay nanunungkulan bilang Representative for the Lone District of Lipa, Batangas. Ikinasal siya sa Senador na si Ralph Recto at anak niya ang TV host na si Luis Manzano.

Read also

Whamos Cruz at Antonette Gail, binahagi ang bonggang birthday celebration ni Meteor

Sa kanyang vlog, nakasama ni Vilma ang kanyang dalawang anak. Itinuturing daw niya na ang kanyang dalawang anak ang pinakamahahalagang trophy na sina Luis Manzano at Ryan Recto. Sumalang sa "Jojowain o totropahin” challenge ang dalawa. Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakaiba sa pag-uugali sa dalawang anak ni Ate Vi. Kung si Luis ay palabiro at maloko, si Ryan naman umano ay mukhang mahiyain at reserved.

Hindi naman maipagkaila ni Ate Vi na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel